20

1K 28 0
                                    

Naiwan ako sa bahay habang iniisip ano ginagawa ngayon ni Bea at Jamie. Naghalikan na kami ni Bea kaya sure ako na gusto niya rin ako pero di namin napag usapan ang tungkol dyan.

Alam naman ni Jamie na gusto ko si Bea kaya hindi pwedeng gusto rin ni Jamie si Bea. Pero lumabas sila para ano? Makipag date? No! Hindi pwede.

Narinig ko bumukas at nag sarado ang main door sa baba. Saka may yapak ng paa papunta sa room ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Jamie.

Tapos na. Sabi niya saka umupo sa kama ko.

Anong tapos na? Tanong ko sa kanya habang naka taas ang kilay.

'Bea'

What do you mean Bea? Tanong ko sa kanya salubong ang kilay ko handa ko siyang sampalin pag sinabi niyang may nangyari sa kanila..bahala na friendship over kami over naman ako mag isip pero promise talaga.

Jho don't worry wala kaming ginawa ni Bea. Sinabi ko lang sa kanya na gusto mo siya. Akala ko pa naman ma surprise siya sa sinabi ko pero alam mo anong sagot niya "oh" I don't think she like you Jho. Sabi ni Jamie sa akin.

Jamie, ilang beses na kami naghalikan ni Bea. I think gusto niya rin ako kahit konti..Sabi ko naman... naging hopeful ako ngayon.

Well, that kinda explains it bakit di niya sinabi sa akin. Akala ko pa naman may pag asa ako kay Bea bakit di niya sinabi sa akin na you two where already together? More importantly why you didn't tell me? Tinanong kita tungkol sa kanya kung girlfriend mo siya but you denied it. Bakit mo tinatago ang hot and sexy na si Bea? Kung siya naging girlfriend ko ipaparada ko talaga siya sa harap ng maraming tao.
What's wrong with you Jho? 

Sunod2x ang sinasabi ni Jamie at di ko na siya nasagot. Di ko alam sagutin ang mga tanong niya na binabato sa akin.

Buti nalang may kumatok sa pinto bago pa ako ma hotseat kay Jamie.

Come in!! Nagbukas ang pinto at dumungaw si Bea.

Jho? Pwede na ba tayong mag bake ng cookies ngayon? Inosenteng tanong niya sa akin habang naka ngiti..sinuklian ko din siya ng ngiti saka tumango.

Yeah sure...baba lang ako.

Ngumiti siya balik sa akin saka sinirado ang pinto.

Nakatingin pa ako sa pinto habang nakangiti pero ramdam ko ang kurot ni Jamie sa aking tagiliran.

Sige na mag bake ka na ng cookies with your sexy girlfriend.

Tumayo ako pero hinampas ni Jamie ang likuran ko. Tumakbo ako palabas ng kwarto dahan2x akong sumilip sa kitchen. Nakita ko si Bea na binubuksan lahat ng cabinet sa kitchen hinahanap ang mga ingredients. Pumasok ako sa kitchen at tumayo sa likuran niya saka nilagay ko ang kamay ko sa shoulder niya.

Ako na diyan..kunin mo nalang ang bowl. Humarap siya sa akin saka nagtitigan kami.

Kanina kapa dito di kita napansin tanong ni Bea.

No..kakarating ko lang.

Nginitian niya ako saka hinalikan sa labi mabilis lang. Kinuha niya ang bowl habang sumisipol na parang bata.

After 30 minutes naka bake na rin kami ng cookies.

Sumandal ako sa kitchen counter habang si Bea naman nakaupo sa counter nasa tabi ko. Kumakain kami ng cookies na hinati namin in silent pero ramdam ko na every now and then tumitingin siya sa akin.

Good cookies..biglang sabi ni Bea

Tiningnan ko siya habang kumukuha na siya ng pangalawang cookies para kainin. Tiningnan ko ang tray at walo nalang ang natira. Gumawa kami ng 12 apat na nakain niya? 

Did you eat four cookies Beatriz?

Yeah...share tayong gumawa nito so half are mine.

Pano yong iba?

Pwede din sila mag bake ng kanila. Sabi niya sa akin habang ngumingiti...napangiti na rin ako sa kanya lumalabas na naman ang pagiging childish ni Bea.

Bukas bibili nalang ako ng cookie dough para pwede nalang initin agad instead of preparing them ourselves.

Bakit? Homemade is much better kaya.
Sabi ni Bea habang sinimulan niyang kainin ang pang lima niyang cookies. Parang monster naman to.

Pero the preparation is much longer..I prefer it to be fast.

Oh...you like it fast??

Oo..it's also...bwisit iba ata iniisip ni Bea. Tumingin ako kay Bea na nakasmirk sa akin. Napaka immature talaga ng cookie monster na to. Beatriz, I'm not talking about that...kung ano2x ang iniisip mo. I rolled my eyes on her.

Okay...okay...alam ko sagot niya habang nakataas ang dalawang kamay. Natahimik kaming dalawa ng biglang nagsalita ulit si Bea.

So..gusto mo talaga ng mabilisan? Tanong niya habang naka smirk na naman.

Bumuntong hininga ako di niya talaga ako pipigilan kaya mas mabuting sumakay ako sa trip niya.

Hindi...I like something nice...and..slow...ayan yan ang gusto mo marinig.

Nakita ko si Bea na lumonok saka nag blush hahaha..bigla siyang tumalikod at kumuha ng cookie at mabilis na kinain.

Kumuha din ako dahil parang ubusin na talaga niya ang lahat ng niluto namin.

Uhhmmmm...since gusto mo ng nice..and... slow, I guess it would be bad idea to ask you to be my girlfriend right? Sabi ni Bea habang nag bablush..

Pucheck parang nalunok ko ang buong cookie sa sinabi niya..napaka cute naman ni Beatriz.

Kung tatanungin niya ako ngayon sasagutin ko talaga siya pero mas romantic kung mag sisimula muna kami mag date.
















PERFECT Where stories live. Discover now