14

964 26 0
                                    

Oh, Hi Nico! bati ko kay Nico habang dedma ang she devil na nasa tabi niya.

Hi Jho, siya pala ang sinasabi kong older sister ko si Kiana..Sabi ni Nico sabay turo sa katabi.

Nag wave lang si Kiana sa akin at binigyan ko naman siya ng pinaka peke kung ngiti. Tumingin siya sa likod ko at napansin si Bea na kanina pa nakadikit sa likod.

Hi Bea, bati niya sa kapre..pero ang gagong kapre na to hinila ako pagilid saka pumunta kay Kiana at nag hug. Nakatingin lang kami ni Nico sa kanila.

Napagusapan na kakain kami sa labas  pumunta kami sa isang Chinese restaurant. Umupo ako katabi si Nico at sila ni Bea nasa harapan namin katabi niya si Kiana. Nasa kaliwang banda si Bea.

Ng kumuha na ng order ang waiter tinanong si Nico kung ano ang order niya peking duck..okay ba sayo Jho? Tanong Nico sa akin.

No! Hotpot ang favorite ni Jho..kunan mo siya ng hotpot napaka oily ng peking duck. Biglang sagot ni Bea.

Ngumiti nalang ako kay Nico okay one hotpot. Tiningnan ko si Bea na nakangiti din sa akin.

Ng si Kiana na ang mag order para kay Bea..dumplings po para kay Bea allergy kasi siya sa ibang Chinese foods bigla kung sabi.

Tumango tango nalang si Kiana habang pangiti ngiti si Bea sa akin.

Habang naghihintay kami ng order.

Naalala mo ba ang sinabi ko sayo Jho?
Nag aaply ako bilang manager sa store na pinagtatrabahuan ko.

Di ko talaga naalala pero tumango nalang ako sa kanya.

Nakita ko si Kiana at Bea na nagbulungan parang may tinatago.

Sasagot sana ako kay Nico pero nakita ko ang mga kamay ni Kiana na nakahawak sa kamay ni Bea sa ibabaw ng table. Tumingin ako kay Kiana pero nagulat ako ng nakatingin din siya sa akin siguro napansin niya na nakatitig ako sa mga kamay nila.

Agad kong binaling ang tingin kay Nico at narinig sa kwento niya.

Pero alam mo Jho sabi ng co-worker ko di daw ako fit para maging manager. Pagpatuloy ni Nico.

Tango lang ako ng tango dahil wala naman talaga akong naintindihan sa sinasabi niya lahat na ata ng sinabi niya lumusot sa kabilang tenga ko. Salamat naman at di niya napansin.

Tumingin ulit ako kay Bea naka sandal si Kiana sa shoulder ni Bea habang nag seselfie sila.

Napansin siguro ni Nico na panay ang tingin ko sa kanila ni Bea kaya tinanong niya ako.

Gusto mo din ba magpictures tayo? Nahihiyang tanong ni Nico.

Sure! Naglabas ako ng cellphone saka nilapit ko ang mukha ko kay Nico para magselfie kami. Pag on ko ng camera biglang lumabas ang mukha ni mama tumatawag sa akin. Kaya sinagot ko agad.

Hello ma?

Jho anak, sorry naistorbo ko ang date niyo ni Nico gusto ko lang malaman mo na dadalhin namin ulit si Ellie sa bahay ng Lola mo for the weekend.

Oh..okay ma walang problema...bwisit marami na naman akong panahon sa kapreng si Bea..sa isip ko.

Sabi pala ng papa mo  mag trim si Bea ng mga damu sa bakuran mahaba na at makati sa paa.

Bakit ayaw ni papa na ako gagawa madali lang naman mag trim.

Anak, di mo nga alam mag on ng lawnmower ikaw pa gagawa? Hayaan mo na si Bea gagawa para naman ma libang siya habang wala si Ellie.

Okay fine, ma bye.

Okay anak bye, see you Sunday night.

Nagbuntong hininga ako saka humarap kay Nico.

PERFECT Where stories live. Discover now