2

1.5K 37 0
                                    

Ms. Maraguinot may nakita kaming sulat para sayo sa ilalim ng unan ni Carly.

Inabot ng abogado sa akin ang naka silyong envelope. Dalawang araw ang nagdaan matapos kami mag usap ni Carly sa park bigla siyang namatay ng walang dahilan. Matapos ang autopsy napag alaman na after niya iluwa ang baby girl niya may tendency na pala na mamatay siya dahil sa complications.

Kinuha ko ang envelope saka binuksan ito at basahin.

Hello,

Kung nababasa mo to ngayon ibig sabihin tama ang hinala ko. Na mamatay ako. The thing is alam ko na hindi na ako tatagal actually binigyan ako ng doctor ng mga reseta sa gamot pero dahil madalang itong makita sa lugar natin kailangan ko ng malaking pera para mabili ito sa ibang bansa since wala naman akong pag kunan ng malaking halaga hinayaan ko nalang na lumalala ang sakit ko. The reason for this letter is gusto kung ipaalam sa lahat na ang anak kung wala pang pangalan nais kong iwan sa kaibigan kong si Jhoana Louise Maraguinot at sa pinsan kong si Isabel Beatriz Del Leon. Alam kung di pa kayo nagkikita pero kayo lang din ang alam ko na mag aalaga ng mabuti sa naiwan kong anak. Hindi alam ng cousin ko na nagdisisyon akong iwan sa kanya ang anak ko unlike Jho. Please call my cousin to let her know what's going on. Jho, pag na met mo ang pinsan ko huwag kang matakot sa kanya. Mukha lang siyang maangas pero meron yung pusong mamon. Mahal ko kayong dalawa that's why kayo ang pinili ko maging legal guardian ng baby ko. Please make my baby happy.

Love always,
Carlota Hernandez

Alam niyang mamatay siya? Jho ano ba Ang sabi sa sulat? Tanong ng mama ko kaya inabot ko sa kanya ang letter pagkatapos kong basahin. Nagtataka ako sino ba ang  Isabel Beatriz Del Leon na sinasabi ni Carly sa sulat pano ko siya tatawagan wala namang iniwang number si Carly.

Binalik ni mama sa akin ang sulat saka binaliktad ito at doon ko nakita sa likod ang number ng Beatriz na yon.

" What's the point of not having a pregnant daughter if she's gonna be left with a baby anyways"

Papunta ako ngayon sa airport para sunduin  ang Beatriz na yon. She was flying out from US going to Philippines para dito na manirahan. Since kaming dalawa ang legal guardians kailangan naming magsama sa iisang bubong kasama ang baby na hanggang ngayon di parin nabigyan ng pangalan.

Bago ako pumunta ng airport sinabihan niya ako na gumawa ng sign at ilagay ang last name niya na Del Leon.

Pagdating ko sa airport tamang tama naman na lumapag na ang eroplanong sinasakyan niya galing US. Naghintay ako sa waiting area..Maya-maya lumabas na ang mga pasahero kaya napatayo ako at itinaaas ko ang sinabi niyang sign gusto ko malaman kung sino ba ang lalapit sa akin na curious ako bigla sa Beatriz na yon.

Na distract ako ng may lumabas  na babaeng petite, slim, blonde at napaka ganda. Ngumiti siya sa akin pero di ko nasuklian ang ngiti niya kasi merong nag tap sa shoulder ko at paglingon ko.
Nakita ko ang nakapagandang gwapo, singkit matangkad at mukhang maangas  na babae.

"Hi I'm Bea" nilabas niya ang kamay sa bulsa niya para makipag handshake na agad ko namang tinangap. Napaka husky ng boses niya at napaka sexy.
Napaka warm ng kamay niya at fit na fit sa kamay ko. Naka baseball cap siya saka may lollipop sa bibig. Oh bakit napaka kissable naman ng lips niya at may sleeve tattoos siya..oh wait what??? Kailan pa siya nagkaroon ng sleeve tattoos?

So..beside na hindi mo ako pinapansin it's rude also to check me out. Itinaas ni Bea ang isang kilay niya na dumagdag pa sa sexy aura niya.

Hindi...Hindi ko lang na inexpect na ikaw pala ang hinihintay ko akala ko kanina yung isang babaeng lumabas.
And...this....tinuro ko ang tattoo niya sa braso... At napatingin din siya sa tinuro ko.

May problema ka ba sa mga tattoo ko?
Tanong ni Bea sa akin..Lord bakit napaka husky ng boses niya saka napakasexy at same time napaka scary din.

Ahmm..No...Let's go? Nauna akong lumakad at sumunod naman siya sa akin.. My God, di ko akalain na magiging legal guardian kaming pareho.

Sunod lang siya ng sunod hanggang sa umabot kami sa kotse ko.

Pagbukas ko ng lock agad siyang pumasok sa harapan at hinubad ang damit niya...at bigla akong napatalikod.

Anong ginagawa mo bakit bigla ka nalang naghubad? Tanong ko habang nakatalikod.

Ang init pala sa Pinas kaya magpapalit ako ng damit sorry at ginulat kita.

Napa buntong hininga ako saka dali daling pumasok sa kotse para mag drive.





PERFECT Where stories live. Discover now