12

948 30 3
                                    

Pauwi ako sa bahay galing sa bookstore dala-dala mga pinamili ko. Pagbukas ko ng pinto may narinig akong ingay galing sa kitchen. May tumatawa na parang kinikilig. Nababaliw na ata si Bea. Dahan-dahan akong pumunta sa kitchen pero nag tago ako sa gilid para di ako makita ni Bea gusto ko makita ano ginagawa niya bakit siya parang kinikilig.

Si Kiana nasa mixer habang si Bea naman nasa likod niya at ang isang kamay nakahawak sa waist ni Kiana at yung isa naka hawak sa braso.
Kinuha ni Bea ang batter saka nilagay sa ilong ni Kiana na ikina tuwa naman ng isa. Hindi ko kinaya ang nakikita ko kaya agad akong tumakbo papuntang kwarto. Naririnig ko pa ang sigaw ng malandi "Bea please stop ano ba...nooooo ..." Pagkapasok ko sa kwarto agad kung kinuha ang earphone ko at nagpatugtog ng malakas para ma blocked ang ingay ng landian nila Pero di ko alam bakit tumutulo ang luha ko.

Nung sumakit na ang tenga ko dahil sa earphone tinangal ko ito buti naman at wala ng ingay galing sa baba. Buti naman baka umalis na si Kiana.

Bumaba ako papuntang kitchen. Nakita ko si Kiana na naka tayo sa gilid habang hinahalikan ni Bea. Ng makita ko yun parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Tumakbo ako papuntang kwarto saka pumasok sa cr at nilocked ito.

Umupo ako sa gilid habang inaalala ang nakita ko di ko namamalayan na nanginginig na ako sa iyak. Di ko mapigilan ang luha kong sunod2x na pumapatak.

Bakit ako umiiyak? Wala kaming relasyon ni Bea kung di dahil kay Ellie. Kaya pwedeng makipag date si Bea kahit kanino. Nag didate din kami ni Nico kahit na si Bea ang gusto ng pusot isip ko. Hindi ba yon nakikita ni Bea?

Ganon nalang ba siya ka manhid?

Nakatulog ako sa bathroom habang umiiyak. Nagising nalang ako ng marinig ko ang katok ni Bea. Pagbukas ko ng pinto di ko siya pinansin dumiritso ako sa kama saka natulog.

Ng bumaba ako kina umagahan naabutan ko si Bea na naglilinis ng sahig sa kitchen. Naka luhod siya habang pinupunasan ang mga nagkalat na batter sa sahig.

Anong pumasok sa utak mo at naglilinis ka at anong nangyari dito..tanong ko kunwari di ko alam.

May friend akong pumunta kagabi at uhmmmm..we kinda got carried away..sabi niya

Bakit pa ba siya magsisinungaling sa akin pwede niya namang sabihin na nandito si Kiana kagabe.

Oh..kaibigan lang ba? Tanong ko habang kumakain ng cookies na nasa counter.

Just...a friend sabi niya saka tumingin sa akin na kumakain ng cookies.

No..no...no...Hindi ka pwedeng kumain ng cookies na ginawa namin. Sabi ni Bea at agad na hinablot ang cookies na nasa kamay ko saka nilagay sa bunganga niya .

Namin? Seryosong tanong ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.

Agad siyang nabulunan sa tanong ko. Hinampas hampas niya ang  dibdib habang umuubo. Hinayaan ko lamang siyang mag suffer buti nga sayo.

Yes, my friend and I cookies..kami nagluto nito kaya amin to. Pag explain ni Bea.

Whatever Beatriz..I still get one because you stole one from me, sabi ko na parang naiinis.

Bumuntong hininga si Bea saka binigay sa akin ang isang cookies na kinain na niya.

Ewww..no ayaw ko niyan nahawakan mo na yan. Humakbang ako papunta sa likod niya para kumuha ng bagong cookies ng makatingin ako sa  kanya nakita ko ang namumulang hickey na nasa leeg niya.

I see that you and your friend did more than bake cookies. Tanong ko sa kanya habang nakataas na naman ang isang kilay ko.

Parang nahiya pa si Bea saka mabilis na tinakpan ang namumulang hickey sa leeg niya. Magsasalita sana siya pero agad niya namang tinikom ang bibig.

Ano? Mag eexplain ka pa sa akin? Tanong ko pero nanahimik siya. Agad akong lumabas sa kitchen dahil parang sasabog ako sa galit at sakit na nararamdaman ko.

Gusto mo ba si Bea? Ang may full sleeve tattoos na Bea? Ang malanding Bea? Ang Bea na laging ginugulo ang isip mo pero ang Bea na nagbibigay ng kilig sa puso mo.

Bakit napaka manhid mo Bea?






PERFECT Where stories live. Discover now