18

980 31 1
                                    

Ng dumating sila mama kasama si Ellie napuno ng yakapan at tawanan ang bahay. Walang ginawa si Jamie kundi magkwenton ng katatawan sa mga magulang ko. Ng makita niya si Ellie di na niya ito binitawan. Karga2x niya si Ellie saan siya pumunta. Halos buong gabi nasa kanya ang baby hanggang sa sinalin na niya ito sa crib.

Nasa room kami ni Jamie nakaupo sa bed habang nag uusap. Nag kwekwento siya ng kung ano-ano di na ako nakikinig inaalala ko si Bea sa kwarto ni Carly. Kamusta na kaya ang cute at sexy na kapreng yon? Tulog na ba siya ngayon? Na miss niya ba ako? Makakatulog ba siya ng mahimbing na wala ako sa tabi niya? Hai nako ang dami kong iniisip.

Ellie is so cute...almost as cute as me. Sabi ni Jamie na nakatingin sa crib ni Ellie. I rolled my eyes sa mga sinasabi ni Jamie simula ng dumating siya palagi niyang sinasabi how hot and sexy Bea is saka tingnan kung ano ang reaksyon ko. Ako naman naiinis sa naririnig ko pero siyempre di ko pinapahalata. Di ko matangap na may ibang nakakapansin ng kasexyhan ni Bea.

Jho? Bakit may mga basketball shorts ka dito sa closet mo. Sabi ni Jamie ng inayos niya ang damit niya galing maleta.
Sigurado akong di sayo to lahat malalaki at mahaba aabot to lampas ng tuhod mo...Sabi ni Jamie habang cheneck ang basketball shorts ni Bea na nasa kamay niya.

Nagulat ako sa sinabi ni Jamie..di ko napansin na di pala nakuha ni Bea ang mga basketball shorts niya sa closet ko. Tumingin lang ako sa kanya at di nakapag salita.

Wait..Jho kay Bea ba ang mga to? Huwag mong sabihin kay Bea to? Nahihiya akong tumango kay Jamie ayaw ko naman mag sinungaling di ko naman masabi kay Nico yon.

Huh? So natutulog kayo sa iisang kwarto? Dito sa room na to? Sabi ni Jamie habang tinuro pa ang bed..napatango ako ulit. At lumaki naman ang mata niya sa nalaman na new info sa amin ni Bea.

Ba't di mo sinabi sa akin agad na share pala kayo ng room tapos dito pa niya ako pinatulog. Nagmukha tuloy akong trespassing I invade both of your privacy. Napahilamos ng mukha si Jamie...I kicked her out on her own room nako ang sama ko. Sandali...agad na lumabas ng room si Jamie at alam ko na ano gagawin niya. Di ko na siya pinigilan dahil inaalala ko din si Bea.

Pagbukas ulit ng pinto dala-dala na ni Jamie mga damit ni Bea saka nilagay sa closet namin. Lumabas ulit siya sa kwarto pero nagulat ako pagbalik niya akay2x na niya si Bea na nakapikit pa ang mga mata at halatang ginising niya sa mahimbing na tulog nito.
Agad na pinatay ni Jamie ang ilaw saka lumabas sinirado ang pinto at iniwan si Bea sa kwarto namin. Narinig ko nalang na nagsarado ang pinto ng room ni Carly doon siya matutulog. Thank you sa basketball shorts ni Bea.

Hindi masyadong madilim sa room ko dahil may ilaw sa labas ng bintana naka reflect sa room. Hinarap ko si Bea di parin niya alam ang nangyayari dahil sa antok blanko ang mukha niya ng tumingin sa akin. Hinila ko siya papuntang kama saka inayos ang higaan niya. Agad siyang humiga na parang walang pakialam.

Nahiga na din ako sa tabi niya bago pa ako pumikit hinalikan ko muna siya sa labi peck lang na di naman niya napansin. Nilagay ko ang aking ulo sa dibdib niya saka siya niyakap at pumikit upang matulog.

Maya maya naramdaman ko nalang na may humalik sa ulo ko saka yumakap ng mahigpit sa beywang ko.












PERFECT Where stories live. Discover now