Nilabas ko ang cookies sa oven ng marinig ko ang pagbukas at pagasara ng pinto ng kotse. Si Bea na siguro yon nakabalik na galing sa date niya.
Tumakbo ako sa bintana malapit sa pinto para silipin kung nakabalik na si Bea pero wala akong na kita instead si Nico ang nakita kung nakatayo sa labas hawak2x niya ang jacket ko. Napaka tanga ko naman naiwan ko pa ang jacket ko sa kotse niya.
Pinindot niya ang doorbell pero di ko muna binuksan naghintay pa ako ng three minutes bago siya buksan. Ewan parang wala akong gana makipag usap kay Nico.
Nico, ano ginagawa mo dito? Tanong ko habang rinig ko sa kabilang tenga ang isa pang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan.
Oh, pumunta ako dito dahil..
Tumingin ako sa likod ni Nico kung sino ang dumating at nakita ko si Bea na lumabas sa kotse ko. Ginamit niya ang kotse ko para sa date niya? Pinasakay niya ang Kiana na yon sa kotse ko? Baka andyan pa si Kiana sa loob di ko alam pero biglang umakyat ang dugo ko sa ulo.
Naglalakad si Bea sa driveway papunta sa amin habang nakangiti pero di parin niya kami nakita kasi nakatingin siya sa ground tapos ang dalawang kamay nasa bulsa ng pantalon niya.
Tumingin ako kay Nico ng makita kung malapit na si Bea natataranta ako pero kailangan ko maghanap ng paraan para magselos si Bea.
So ano na tuloy ba and date natin?...biglang sabi ni Nico. Di ko narinig ang ibang sinabi niya kaya lalo akong nataranta.
Ah..pwede paki ulit ng sinabi mo? Nahihiyang sabi ko kay Nico habang malapit na sa amin ang kapre
Nagtatanong ako kung tuloy ba ang date natin nextweek? Tanong ulit ni Nico
Malapit na sa amin si Bea kaya alam ko maririnig niya ang sasabihin ko. Bakit ikaw lang ba ang pwedeng makipag date? Sa isip ko.
Of course, I'd like to go on another date with you.Malakas na sagot ko para sure na marinig ni Bea.
Cool, text nalang kita sabi ni Nico saka tumalikod. Nagkasalubong sila ni Bea at nagtinginan tumango lang si Bea sa kanya. Ng makaalis na si Nico hinarap ako ni Bea.
Another date huh?
Yeah, sagot ko habang pilit na ngumiti.
Kamusta pala ang date mo? Walang ka interes na tanong ko sa kanya.
Amazing sagot niya na nakangiti..pumasok siya sa bahay papuntang kitchen habang sumusunod ako sa kanya. Di pa ako na kontento sa sakit na nararamdaman ko nagtanong ulit ako.
Anong ginawa niyo? Dinala mo siya sa beach at pinakain ng pizza sarcastic na sabi ko..Akala ko magagalit si Bea pero tumawa pa siya.
No, bumili lang kami ng burger saka umupo sa park at nagpatingin2x lang sa mga nangyayari sa paligid. Ayaw ko mag pa extravagant sa first date. Sagot niya.
Sounds nice naman ng date niyo..bulong ko.
Wow cookies nag bake ka ng cookies? Excited na sabi ni Bea akmang kukunin niya ang isang cookies ng hinarangan ko siya. Magkadikit ang katawan namin habang magkaharap.
Ako ang nagluto nito kaya akin to. Kung gusto mo kumain magluto ka ng sayo. Pag mamaldita ko kay Bea.
I'll make my own then..Sabi niya saka hinalungkat ang cabinet lumingon siya sa akin at nag cross arms. I'll make them some other day. Sabi niya saka umalis paakyat ng room.
Agad ko siyang sinundan pero nagulat ako ng bigla siyang bumalik at kumuha ng isang kumpol na cookies saka nilamon agad..Putek naisahan ako ng kapre na to.
Pagkatapos niyang kumuha agad siyang tumakbo paakyat..."what now Jhowjhow? " ng iinis pa niyang sabi
Pero di ko na siya hinabol pa ngumiti nalang ako sa ginawa niya at least alam kung nasarapan siya sa cookies ko. (Baka ibang cookies ang iniisip niyo🙂)
Pumunta ako sa room namin ng maabutan ko si Bea na namimilog ang pisngi sa pagkain ng cookies para siyang chipmunk.
Nginitian ko siya at saka kinurot ang pisngi niya you're so cute Beatriz.
Tumingin lang siya sa akin at tumango habang naka smile ang mata.
Tumayo siya sa kama at nagbihis ng sports bra at basketball shorts typical na attire niya para matulog.
So anong gagawin natin bukas? Tanong niya habang inaayos ang bed.
Pupunta ako ng bookstore bukas and you know naman pag nandon ako it may takes an hour bago ako umalis.
Ganon ba di ba pwedeng mag cuddle nalang tayo buong maghapon? Pa cute na tanong niya.
Di kapa ba nagsasawa sa kaka cuddle sa akin gabi2x? Challenge na tanong ko sa kanya?
Ako? Mag sasawa kailan ba ako nagsawa sayo? Di ka naman nakakasawa ever...sagot ni Bea at akmang yayakap sa akin.
Ang lakas ng tibok ng puso ko di ko talaga maintindihan si Bea minsan parang may gusto din siya sa akin minsan parang trip2x niya lang.
Di ba niya alam lahat ng ginagawa niya sa akin may malaking epekto?
Nako Beatriz isa kanalang baka bigla nalang kita mahalikan..sa isip ko lang.
YOU ARE READING
PERFECT
FanfictionPanu kung naging instant mommy si Jho at instant daddy si Bea sa iisang baby subalit hindi naman sila magkakilala. Possible ba yun? Gip Bea