17

1K 34 2
                                    

Well then.....I'm staying for a week..so Jho alam mo na mag share ako ng room sayo. Sabi ni Jamie sa akin sabay side hug pa habang nakangiti.
Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Jamie alam kung pag sinabi ko na hindi pwede tiyak mag dududa yon sa amin ni Bea. Mag iisip yon na may nangyayari sa aming dalawa na totoo naman.

Uhmmmm...Jamie..kasi....

Excited si Jho na mag share ng room sayo for one week..biglang sagot ni Bea habang nakangiti kay Jamie.

Tiningnan ko siya ng masama..sa isip ko kung mag share kami ng room ni Jamie saan si Bea matutulog?

Yay!! Bait mo talaga babe..sandali kukunin ko lang ang mga maleta ko sa kotse saka aalis tayo para mag breakfast..excited na sabi ni Jamie na mabilis na umalis para kunin ang mga gamit niya.

Hinarap ko si Bea..pagtingin ko sa kanya nakangiti parin siya sa akin..kaya bigla ko siyang kinurot sa tagiliran.

Ouch! Naman Jho..sakit nun ah...

Bakit ka pumayag na dun siya matulog sa room ko? Pwede naman siya matulog sa kabilang room? Ngayon saan ka matutulog?

Biglang nawala ang ngiti ni Bea...pipilitin ko nalang ang self ko na dun matulog sa dating kwarto ni Carly. Nabaling ang tingin niya sa floor..para nag iisip. Agad kong hinawakan ang pisngi niya saka hinalikan siya sa labi.

You don't have to..pwede ko namang sabihin kay Jamie na siya nalang sa kabilang kwarto.

No that's okay one week lang naman siya dito kaya okay lang. Niyakap ako ni Bea saka hinalikan sa ulo. Magkahawak kamay kami papuntang kwarto para iligpit ang mga gamit niya na isalin sa kabilang room. Parang namatayan ng aso si Bea sa itsura niya. Pero kahit anong pilit ko naman sa kanya ayaw niya. Tigas din ng ulo nito. Buti at one week lang pano kung tatagal dito si Jamie sigurado iiyak na si Bea.

Pagkatapos magligpit ni Bea sa room sinalin na niya lahat ang gamit niya sa kabila habang busy naman sa phone si Jamie sa baba..di niya napapansin na naghahakot kami ng gamit ni Bea.

Kumain kami sa Mcdo dahil nagyaya si Jamie..pancake lang inorder ko ganon na din si Bea.

So Jho may nanligaw ba sayo ngayon? Tanong ni Jamie na naka upo sa harap ko habang katabi ko naman si Bea sa kabila.

Well, I went out with this one guy..Nico..nahihiyang sabi ko pero di na kami nagtext simula mong double date namin last time.

Kwento mo naman sa akin..interesadong sabi ni Jamie habang kumakain ng pancake.

Hmmm..ano lang una nanood kami ng sine..napangiti ako bigla dahil may naalala ako.....but bigla akong umuwi kasi naman ang isa dito si Bea muntik ng sirain ang kitchen sa bahay. Tumingin ako kay Bea nakangiti din siya habang patango tango sa akin.

Walanghiya ka Bea..bat mo naman ginawa yon? Eh di naputol ang date ni Jho. Sabi ni Jamie habang tumatawa.

Date naba yon para sayo? Sabat pa ni Bea.

Eh ano ba ang tawag don..sagot ko naman..

Ewan napaka lousy naman ng Nico na yon di marunong saan magdala ng date...bulong ni Bea..pero dahil magkatabi kami rinig ko ang sinabi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa saka pinisil at ganon din ginawa niya sa kamay ko.

Nakangiti lang si Jamie sa amin pero di niya alam hawak kamay kami ni Bea..isang date lang ba yon Jho?

No meron pa the next day dinala niya ako sa resto na nagseserve ng konting pagkain at yon umuwi akong gutom. Buti nalang pag uwi ko sa bahay dinala ako ni Bea sa pizza parlor..kwento ko habang nakangiti.

Then what? Wala ng kasunod?

Tanong pa ulit ni Jamie ang kulit naman nito daming tanong na tense ako. Isama mo pa ang isa na nakahawak na sa binti ko.

Then ayon nag double date kami kasama ang older sister ni Nico na ka date din pala ni Bea. Kumain kami sa Chinese resto at yon lang..dali2x kong pinutol ang kwento sana di na magtanong si Jamie.

So you and Bea double dated sister and brother?

Yeah..Hindi naman namin alam nung una kung di pa sila pumunta sa bahay ng sabay. Sabi ko naman grabe napaka awkward ng araw na yon.

Oh wow..so embarrassing... Pagkatapos ano na? Tanong pa uli ni Jamie.

That's it..wala na...sagot ko naman.

Ano? Napakaboring ba niya kausap Jho or what?  Tanong ni Jamie habang tumitingin sa akin.

YES!! biglang sagot ni Bea

Pinag malaki niya na ma promote siya bilang manager sa store na pinag tatrabahuan niya at nagseselos daw ang mga kasama niya. Yan lang sinasabi niya hanggang sa nag share din ako ng mga lutang moments ko nung highschool. Sabi ni Bea.

Tumitingin siya sa akin habang nagsasalita. Tumitingin din siya saglit kay Jamie.

Bea saving the day ha...Sabi ni Jamie habang naka smirk sa akin.  Tumango tango lang si Bea saka bumalik sa pagkain pero ang isang kamay nakahaplos parin sa binti ko.

So Bea, nag work din ang date niyo? Tanong ni Jamie habang nakangiti sa akin..alam ko na talaga ang mga pa tanong2x na to ni Jamie. Gusto niya talaga kaming mahuli ni Bea.

No, bumalik ang ex niya saka binigyan siya ng promise ring. Kaya it doesn't work.

Why? You're hot!

Biglang nabulunan si Bea sa sinabi ni Jamie. Kaya hinampas ko ng kaunti ang likod niya.

Are you okay? Nag aalala kong tanong sa kanya.

Yeah..I'm okay.

I'm surprised bakit di pa kayo nagkatuluyan ni Jho. Sa porma mong yan..Yan talaga ang type ni Jho. Pero wala talaga nag work sa mga naka date ni Jho nung highschool kasi puro sila lahat boring. Alam mo Bea ang gusto ni Jho astigin pero malambot ang puso katulad mo. Gusto niya may abs, sporty saka palaging sweet..Ikaw Bea sweet ka ba? Tanong pa ni Jamie habang hawak hawak ang tinidor.

Napahilamos nalang ako sa mukha sa mga sinasabi ni Jamie.

Nakangiti lang si Bea sa akin na parang nang aakit.

Aaaw...common Jhowjhow...mga katulad ko ba talaga ang type mo? Tanong ni Bea na may kasamang pang aasar. Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko  sige na  smile kana alam ko naman eh..bulong pa ni Bea sa akin ngumiti na rin ako dahil sa itsura niya na nakangisi parang sira.

Yay! Ma eenjoy ko talaga ang one week na bakasyon..Sabi naman ni Jamie na parang kilig na kilig sabay wink sa akin.

Nagtinginan nalang kami ni Bea saka ngumiti. Nagpatuloy kami sa pagkain habang hawak hawak ni Bea ang mga kamay ko sa ilalim ng table.































PERFECT Where stories live. Discover now