5

1.2K 29 0
                                    

Pababa ako ng hagdan papuntang kusina para mag breakfast. Naabutan ko si Bea na kumakain ng cereal. Pagkakita niya sa akin agad niyang tinabunan ng dalawang kamay niya ang bowl saka inilayo sa akin habang naka taas ang isang kilay. Nako parang bata kung umasta.

Inirapan ko siya at kumuha ako ng sariling bowl at nilagyan ng cereal saka gatas.

Hey leave some to the rest. Sabi niya habang tinitingnan ang bowl ko.

Duraan ko pa yang pagkain mo sige ka. Sabi ko naman habang nakangiti agad niya namang tinago sa braso niya ang bowl na parang napaka precious nito.

Maya-maya dumating si mama at mukhang masaya. Naka ready na ang mga box sa labas para maligpit natin ang gamit ni Carly. Pumunta siya sa lababo para maghugas. Pagkatapos niyong kumain pwede na tayo magsimula.

Habang nagsasalita si mama...tiningnan ko si Bea na nakayuko at nilalaro ang pagkain niya.

Ma, pwede ipagpaliban muna natin yan di pa kami ready..Sabi ko sabay turo sa amin ni Bea.

Pwede naman bukas.

Hmmm...ma kailangan pa namin mag isip bago namin iligpit ang mga gamit ni Carly. Habang nagsasalita ako tinitingnan lang ako ni Bea na parang naghihintay sa sagot ni mama.

Oh Sige kung ganon bibili nalang tayo ng mas malaking matress. Ayaw ko na sa sahig ulit matutulog si Bea baka magkasakit siya. Sabi ni mama habang nakatingin sa amin ni Bea..

Tiningnan ko si Bea kung payag ba siya... tiningnan niya lang ako saka ngumiti.

Tama ma ganon nalang...Sabi ko kay mama....

Okay sige yun nalang maiwan ko muna kayo at bibili lang ako ng groceries. Jho ito ang credit card ng papa mo gamitin niyo pambili ng mattress....nilagay niya ang card sa table saka umalis.

Sold!

Excited na sigaw ni Bea habang nakahiga sa waterbed...Lumabas kami para bumili ng mattress..tinitingnan ko lang si Bea habang nakasandal ako sa stroller ni Ellie na nakangiti.

Bea hindi natin bibilhin ang waterbed na yan. Tinulak ko ang stroller ni Ellie at iniwan si Bea sa waterbed.

Bumangon siya sa water bed at hinabol kami pero humiga na naman ulit sa isang bed. May kinuha siyang remote control at pindot niya ito..at nagsimulang mag waive ang matress. Sinubukan niya ulit pindutin ang isang button at nagtaas baba naman ang matress. Para siyang bata na naglalaro. Natatawa ako sa reaksyon niya tuwing mag waive ang bed. Bea is cute... for now.

Sold!

Sigaw ulit ni Bea, tiningnan ko lang siya sabay tulak ulit sa stroller ni Ellie..bumangon naman siya sa bed at sumunod ulit sa amin.

How about this queen size bed? Sabi ko sabay upo sa bed na napakalambot. Umupo din si Bea sa tabi ko saka nag pa bounce.

We only get this one because it's bouncy..seryosong sabi niya..kaya yun na ang binili namin.

Pinadeliver ang mattress sa bahay at ito namang delivery boy iniwan niya lang sa sala ang mattress.

Kaya si Bea ang tumulak paakyat sa hagdan habang ako nakatingin lang dahil hawak ko si Ellie.

Walong steps ang hagdan namin at nasa pang apat na si Bea na hapong hapo sa kakatulak ng mattress.

Sure ka ayaw mo ng tulong? Nag aalalang tanong ko.

No malakas at to kaya ko to...maangas na sabi niya.. manood ka nalang.

Tinulak niya ulit ang mattress hanggang umabot siya sa panglimang steps...sa sunod na steps pilit niya itong tinulak pero di man lang gumalaw ang mattress. Dahil hapong hapo na si Bea nabitawan niya ang mattress...nahulog ito kasama siya. Bumagsak siya sa sahig at dinaganan pa ng mattress.

Napasigaw ako sa kaba baka anong nangyari sa kanya.

Are you okay? Yan kasi ayaw magpatulong...

I'm okay can you get water please...Sabi niya na hapong hapo.

Dali2x akong pumunta sa kitchen at kumuha ng tubig.

How about magpatulong ka mamaya kay papa pagdating niya. Sabi ko at tumango naman siya.

Alam niyo di ko akalain na mas close si Bea kay papa aliw na aliw si papa sa kanya. Gustong gusto kasi ni papa ng anak na lalaki na di naman nangyari. Ball games ang bonding nila ni papa after dinner. Nagkakaintindihan sila sa mga bagay2 na di ko maintindihan. Bumili pa si Papa ng bola ng basketball at nagpalagay ng ring sa bakuran para makalaro sila ni Bea.

Napaka weird lang para kaming magboyfriend ni Bea magandang description mag asawa dahil may anak kami. Natutulog din kami sa iisang room at kama. Pero hindi we just like enemies palagi parin kaming nagbabangayan pag wala si Ellie.

Si papa lang mag isa ang nagtulak ng mattress papunta sa room ko. Sabi ni Bea tutulong siya ang ending siya nalang ang kumuha ng mga plastic na nakabalot dito.

Wala na talaga akong takas kay Bea.

Malaki ang bed pero kahit nasa iisang bed kami ni Bea hinati din namin ito nilagyan namin ng unan sa gitna para dun siya sa space niya at dito naman ako sa akin..pagdating ng gabi nakatalikod si Bea sa akin kaya tatalikod din ako sa kanya.

Pero habang lumalalim ang gabi nararamdaman kung pilit niya kinukuha ang kumot ko. Kaya hinila ko ang kumot at nagtalukbong. Naramdaman kung pilit dinidikit ni Bea ang butt niya sa butt ko and then bigla siyang umutot habang tumatawa saka bumalik sa position niya. Nilabas ko paa ko sa kumot saka sinipa ang butt niya.

Wala na siyang ginawa after nun

Pagising ko kinaumagahan.

Bea, paubos na ang diaper ni Ellie.sabi ko habang nasa sala siya. Nag palit ako ng diaper ni Ellie ng mapansin kung lima nalang ang natira.

Ikaw na bumili..Sabi niya habang kumakain ng chips at nanood ng basketball game nakataas pa ang paa sa center table.

Hindi pwede sama tayo sa pagbili.sabi ko.

Tapusin ko lang ang kinakain ko tiningnan ko siya habang dahan2x niyang kinakain ang chips niya sa inis ko bigla kong hinablot ang chips sa kamay niya saka dinuraan sa loob.  Binalik ko ulit sa kanya habang nakataas ang kilay. Tumingin lang siya sa akin na parang na shock. Ako ginagalit mo ha tingnan natin.

Dumating kami sa store para bumili ng diaper ni Ellie at chips para sa kapre dahil daw sinayang ko ang chips niya.

Nakapila kami sa counter para magbayad ng mapansin kami ng isang matanda..Aww..Ang cute naman ng baby niyo saka ang cute niyong tingnan.

Nagpasalamat nalang kami kahit gusto namin e explain ang sitwasyong mayroon kami.

Ng time na namin magbayad tumitingin ang clerk sa akin gwapo at moreno dagdag pa ang smile niya..pag tingin ko sa nametag Nico pangalan niya.

Ang cute naman tingnan ng munting family niyo..sabi ni Nico sa akin

Aaah..hindi wala kaming relasyon agad na sagot ko habang tinuturo si Bea. Si Bea naman sunod2x ang iling.

So..Wala palang problema kung manghingi ako ng number mo? Tanong ni Nico habang nakangiti.

Ang gwapo ni Nico ang ganda ng mata saka ang puti ng ngipin.

Yeah walang problema..sagot ko kaya binigay niya ang  number niya sa akin. At pinaulit pa niya sa akin kung tama ang nilagay niya. Napalingon ako kay Bea sa likod pero wala na siya..hinanap ko siya at nandon na pala siya sa exit hawak ang stroller at ang bag ng pinamili namin.

Can you flirt any slower? Sabi niya sa akin ng malapit  na ako saka umalis.

Anong nangyari don? Tanong ko sa sarili ko.


















PERFECT Where stories live. Discover now