Hanggang ngayon di pa rin sinasabi ni Bea kung kailan ang date namin. Dalawang araw na ang lumipas pero hindi parin ako makapaniwala na mag date kami ni Bea. Hindi ko din sinabi kay mama ang date namin ni Bea. Ayaw ko sabihin sa kanya dahil pag malaman niya sasabihin niya din kay Papa at guguluhin kaming dalawa ni Bea. Si Jamie lang ang may alam ng lahat. Sinabihan ko naman siya na kung okay na ang lahat saka ko nalang sasabihin sa parents ko ngayon low key muna kami.
Kapag kami lang ni Bea magnanakaw agad siya ng halik sa akin. Pero ngayon sinabihan ko siya na pag hindi pa tapos ang date namin hindi siya pwedeng magkiss sa akin kahit nakaw pa kasi magagalit ako.
Grabe ngayon pa ako magagalit dati naman wala kaming relasyon ni Bea pero panay ang halikan namin.
Dahil si Bea ay isang Del Leon mahilig talaga mag nakaw ng kiss, tuwing nakatalikod parents ko, tuwing kumakain kaming dalawa especially bago matulog saka pag gising sa umaga. Yan ang mga bagay kung saan mabilis akong nahulog kay Bea.
Isang umaga nagising ako na walang nakayakap sa akin. Walang Bea sa tabi ko. Walang humahalik sa akin hanggang sa magising ako. Pagbangon ko sa bed agad kung nakita ang folded paper na nasa table. Kinuha ko ito saka basahin.
Good morning beautiful, pasensiya na kung wala ako diyan para gisingin ka sa mga halik ko but I kissed you before I left. Don't be sad lumabas lang ako para ihanda ang date natin. Oo nga pala mamayang gabi ang date natin at exactly 6pm kaya mag ready kana ha...I hope you don't mind but because creepy ako kaya ninakawan kita ng picture habang tulog ka. Ang cute mo tingnan habang natutulog gusto ko lang isipin kung gaano ka ganda ang ka date ko mamayang gabi. I'm so excited Jho parang di na ako makapaghintay. Dress casual or don't dress at all it's much better 😉. See you tonight Jhowjhow.
How charming..wait sabi niya dress casual..ano naman ang casual para sa kanya? Shorts and shirt, shirt and jeans? Maybe I should go naked. I don't know tatanungin ko nalang si Jamie.
Naubos na namin ang damit ko sa cabinet pero wala talagang papantay sa taste ni Jamie. Ang ending sinuot ko ang damit niya. Nakasuot ako ng crop top saka high waisted jeans. Sabi ni Jamie maganda daw tingnan ang bum ko mababaliw daw si Bea sa kakatingin dito. So yon sinuot ko na gusto ko kasing mabaliw si Bea sa ganda ng bum ko. Hahaha..titingin pa ba siya sa iba kung sa akin palang busog na siya. 😉
Nagtext ako kay Bea na ready na ako. Nag reply naman siya agad na pupuntahan niya na ako para sunduin nasa labas parin kasi siya. Ngayon naghihintay nalang ako sa isang matangkad at napaka gwapong si Bea Del Leon.
Bea Pov
Naglibot ako sa buong Tagaytay para humanap ng venue sa first date namin ni Jho. It has to be special. Mahilig si Jho sa mga cliche stuff. Pero gusto ko original ang gawa ko. Di ko alam basta ayaw kung dalhin siya kung saan ayaw niya at maging bored lang siya. Hininto ko ang sasakyan sa gilid ng daan saka nag text kay Jamie. Malaking tulong si Jamie sa akin nag enjoy talaga ako sa company niya. She reminds me of my old friends.
Bea:
I have no idea what to do for the date. Help me!Jamie: Gosh..Bea can't you do anything on your own?
Bea: Tulungan mo nalang ako. I'm freaking out.
Jamie: Pwede mo siyang dalhin sa bowling center yong medyo malapit sa Tagaytay. Hindi niya alam mag laro ng bowling kaya yon ang time mo para turuan siya. Pagkatapos dalhin mo siya sa isang restaurant na overview ang buong Manila.
Bea: Alright, Thank you.
Pagkatapos naming mag usap nag u turn ako para humanap ng bowling center. Ng may nakita ako agad akong umuwi ng bahay para sunduin si Jho.
Pagdating ko ng bahay sa likod ako dumaan para mag ready sa date namin.Alam ko si Jho nasa room namin kaya ginawa ko nag iwan ako ng damit sa bathroom sa baba at doon na nagbihis. May narinig akong bumaba sa hagdan. Tapos nagtext si Jho na ready na siya. Napabilis ang pagbihis ko tapos lumabas ako sa likod ng bahay at tumakbo sa kapitbahay para putulin ang isang sunflower. Bahala na wala namang tao saka ang dami namang bulaklak di na siguro mapansin na kinuha ko ang isa.
Pagkatapos pumunta ako sa harap ng bahay at kumatok ng tatlong beses habang tinatago ang bulaklak sa likod ko. Woah... ba't ako kinakabahan..
YOU ARE READING
PERFECT
FanfictionPanu kung naging instant mommy si Jho at instant daddy si Bea sa iisang baby subalit hindi naman sila magkakilala. Possible ba yun? Gip Bea