6

1K 24 0
                                    

Kinagabihan nakatangap ako ng text galing kay Nico. Niyaya niya akong manood ng sine ..dahil first time ko na may nagyaya sa akin kinilig naman ako at agad na pumayag.. it's my first date.

Lumabas si Bea sa bathroom na naka attached sa room ko nakasuot lang siya ng sports bra saka boxer. Ugh! Bakit palagi nalang siya lumalabas sa banyo na nakanganyan? Na didistract ako ang sexy niya saka ang abs niya na solid na solid samahan pa ng sleeve tattoos niya. Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok niya papunta sa katawan niya..ugh...nako...pigilan niyo ako.

Ng malapit na siya sa bed nagsimulang umiyak si Ellie. Kaya agad niyang pinuntahan si Ellie saka kinuha sa crib at pinatulog ulit sa braso niya. Napaka cute ni Bea humawak ng baby..matapos nyang patulugin si Ellie binalik niya ulit sa crib nito. Bago niya pa nilapag si Ellie hinalikan muna niya ito sa pisngi at sa noo. Napaka ganda nilang tingnan. Matapos niyang ilagay sa crib ang baby agad siyang umunat ng katawan niya napakagat labi nalang ako ng makita nag flex na muscle ni Bea.

Napalingon si Bea sa akin dali2x ko namang inalis ang paningin ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tumabi sa bed sinunod niya din ang position ko na nakasandal sa headboard. Kinuha niya ang remote ng tv saka sinalin sa sports channel.

Napakahilig niya manood ng basketball minsan kahit tulog na ako nanunuod pa siya kahit naka mute Ang tv.

Bakit napaka obsesses mo sa basketball? Tanong ko

Because I like them obvious na sagot niya.

Kung love mo talaga ang basketball bakit di ka sumali sa totoong team bakit nagtitiis ka sa pakipaglaro kay papa ang tanda na nun talong talo sayo yun walang ka challenge2x para sayo.

Magaling maglaro papa mo ha huwag mong maliitin ang skill niya. Saka ayaw ko sumali sa team alam mo naman
dahil may baby akong inaalagaan. Seryosong sagot ni Bea habang nakatingin sa akin.

Bea, bakit Ellie ang gusto mong ipangalan sa kanya..habang ngumingiti sa sagot niya.

Bumuntong hininga siya saka pinatay ang tv at humarap sa akin.

Nong bata pa kasi kami ni Carly meron siyang babydoll. Kahit saan siya pumunta dala-dala niya yun. Pag tinatanong ko siya bakit lage niya dala sagot niya lang sariling baby daw kasi ang turing niya dun. Kaya nagtanong ako ano pangalan sabi niya Ellie daw.

Pangarap ni Carly na kung magka anak siya Ellie ang pangalan pag babe.

Eh pano kung naging lalaki?

"Elias"

Tumawa kaming dalawa sa kwento ni Bea...pero maya maya bigla siyang tumahimik at yumuko.. kitang kita ko ang luha na biglang tumulo sa mata niya kaya pinahid ko ito gamit ang kamay ko.

Tumingin siya sa mga mata ko saka ngumiti.

Naiinis ako sa sarili ko na wala ako sa tabi niya ng mangyari ang lahat ng yun..simula ni Bea. Naiinis ako sa family namin the way they treated her. Hindi ako pinansin ng sarili kung pamilya dahil kumampi ako sa kanya...kaya ang ginawa ko nag hintay ako hanggang sa maka graduate para makaalis sa bahay para makapunta dito pero di ko na pala siya maabutan.

Naalala ko pa dati tuwing tatawag ako palagi ka niyang binabangit sa akin na may bestfriend daw siya pangalan ay Jho. Sabi niya palagi mo daw siya pinapatawa tuwing malungkot siya. Kinuwento niya panu mo daw siya inaalagaan nung tinakwil siya ng aunty ko. Panu mo siya pinatuloy sa bahay niyo na walang reklamo.

Jho..salamat sa lahat ng nagawa mo kay Carly..Sabi ni Bea habang hawak2x ang kamay ko.

Thank you for being there when I couldn't. Sabi ni Bea habang tumutulo ang luha..bigla niya akong niyakap..kaya yumakap din ako ng mahigpit sa kanya habang hinahaplos ang likod niya. Matagal kami sa ganong position.

Kumalas siya ng yakap sa akin at pinahid din ang luha ko na di ko napapansin na pumapatak na pala.
Please don't cry..Sabi ni Bea habang hawak ng dalawang palad niya ang pisngi ko saka pinapahid ng thumb niya ang luha ko.

I'm sorry I didn't..Sabi ko..naalala ko lang siya lahat ng memories namin bilang magkaibigan bumabalik..Sabi ko..niyakap ulit ako ni Bea at di na pinakawalan...hindi na kami umiiyak pero nasa ganong position parin kami kahit walang imikan naintindihan namin ang feeling ng bawat isa. Masarap talaga pag meron taong nakaintindi sayo.



PERFECT Where stories live. Discover now