13

1.1K 31 2
                                        

Naka tanggap ako ng text galing kay Nico na kung matutuloy ba daw ang date namin sa Friday.

I agreed.

Kailangan kung alisin sa isip ko Ang nararamdaman ko para kay Bea. Kailangan kong lumayo sa kanya.
Hindi niya naman ako gusto.
Bakit ako nagbabaka sakaling magustuhan niya ako kung hinahayaan niya lang naman ang iba na maglagay ng hickey sa leeg niya. 
Kaya bahala siya magpalagay din ako kay Nico.

Hinanap ko si Bea sa buong bahay at di ko siya makita kaya lumabas ako at pumunta sa basketball court.

Nandon nga si Bea naglalaro mag Isa Ng basketball.

Beatriz, anong gagawin mo bukas ng gabi? Tanong ko kay Bea. Naka ponytail ang buhok niya, naka sports attire habang tumutulo ang pawis sa leeg niya. Bwisit huwag kanang mahulog sa kasexyhan ng manhid na yan.

Lalabas ako pwede mo bantayan si Ellie diba? Sabi niya habang patuloy sa pag free throws.

Naiinis ako sa sinabi niya kaya napalakas ang sagot ko. Hindi ka pwedeng lumabas kasi lalabas din ako. Sabi ko sabay turo sa sarili ko.

Huminto siya sa ginagawa nilagay ang bola sa ilalim ng kilikili niya saka huminga ng malalim.

Dalhin mo si Ellie kung saan ang lakad mo.

Hindi ko siya pwedeng dalhin mag date kami ni Nico..sigaw ko sa kanya.

Mag date din kami ni Kiana..sagot niya saka nagpatuloy sa pag shoot.

Cancel it! Inis na utos ko.

Anong sabi mo? Tanong niya habang magkasulubong ang kilay.

Cancel your date lagi nalang kayo lumalabas di ka ba nagsasawa sa mukha ng Kiana na yon?

Bakit? Nagsasawa ka ba sa mukha ni Nico?

I said cancel it! Sigaw ko.

No! You cancel..sigaw din niya sa akin.

Ano bang sinisigaw niyo? Bakit kayo nag aaway? Rinig ko pa ang boses niyo sa loob. Sabi ni mama na lumabas sa likod ng bahay.

May date kaming dalawa bukas pero gusto ni Jho e cancel ang date ko para makalabas siya kasama si Nico. sabi ni Bea na parang nagsumbong sa mama niya.

Jho!  Ako na mag alaga kay Ellie lumabas kayo bukas para sa date niyo. Sabi ni mama nakita ko si Bea na pumunta kay mama saka humalik sa pisngi niya at nag thank you. Parang gago ka Beatriz di ka nga humahalik sa pisngi ko kay mama pa. Sa isip ko lang.

Four hours left nalang  dadating na si Nico para sunduin ako. Nag text siya sa akin na kung pwede mag double date kami kasama ang older sister niya. Nag agree naman ako agad kasi mas mabuti marami para di naman mapanis ang laway ko wala kasing kwentang kausap si Nico mas interesado pa ako sa ibang tao.

Naglagay ako ng konting make up sa room ko habang si Bea naman nag aayos ng sarili niya para sa date nila. Narinig ko na tumunog ang doorbell at alam kung si Nico na yon kaya dali dali akong bumaba.

Naramdaman kong parang may sumusunod sa akin paglingon ko si Bea. Huminto ako sa kalagitnaan ng hagdan saka humarap sa kanya.

Anong ginagawa mo?

Magbubukas ng pinto para sa date ko..sagot niya sa akin.

Magbubukas ng pinto para sa date mo? Tanong ko ulit sa kanya..tumunog ulit ang doorbell nakita ko nalang si Bea na lumagpas sa akin para pagbuksan kung sino ang nag doorbell.

Dahil ayaw kung humarap siya kay Nico agad kung hinila ang jacket na suot niya at tumakbo ako papuntang pinto saka hinarangan ito ng katawan ko. Si Bea naman nasa likod ko nakaipit. Dali-dali kung binuksan ang pinto para batiin si Nico. Pagbukas ko ng pinto nakatayo si Nico na may kasama.

Bakit kasama ni Nico si Kiana?













PERFECT Where stories live. Discover now