32

1K 23 0
                                    

Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko ang aking pamilya na kumakain ng lunch. Yes, lunch time na ako nagising.

Good morning family...masayang bati ko sa kanila. Humalik ako sa parents ko saka ginawaran ko din ng halik ang chubby cheeks at forehead ni Ellie.

Good morning anak..kamusta ang weekend mo? Tanong ni Papa habang kumakain.

Uh..it was interesting kayo kamusta ang weekend niyo sa kanila ni Lola? Umupo ako katabi ni Ellie na nasa high chair para subuan siya.

Masaya actually gusto namin dalhin kayo ni Bea this coming weekend. Lagi kayong hinahanap ng Lola mo. Sabi ni Papa si Mama naman napatango saka tumingin sa akin.

Hmmmm...Lola wants to meet Bea?

Sinabi na namin sa Lola mo ano ang itsura ni Bea na may mga tattoo siya sa katawan. Sabi niya kailangan niya daw ma meet si Bea siguro gusto ng Lola mo sabuyan ng holy water si Bea.

Hahaha...Natawa ako kasi very catholic ang Lola ko ilang beses na niya akong sabihan na sabuyan niya ako ng holy water pag may ginawa akong kasalanan.

Yan din naisip ko ma...sagot ko saka nag simulang kumain. bigla kung naisip ang nangyari sa amin ni Bea.

Hmmm Ma/Pa  meron pala kaming sasabihin ni Bea sa inyo. Kumunot ang noo nila habnag nakatingin sa akin.

Nasaan si Bea? Diba dapat nandito rin siya kumakain. Tanong ni Papa.

Wala siya dito pero sabihin nalang namin sa inyo pagdating ng hapunan. Kinakabahan ako magsabi tungkol sa relationship namin ni Bea. I know mahal siya ng family ko as Bea na cousin ni Carly.

Di ko alam ano ang reaksyon nila kung malaman nila na si Bea girlfriend ko na ang babaeng muntik na kaming mag sex kagabi.

Ooook..nasaan nga pala si Bea..tanong ni Mama.

Lumabas siya para maghanap ng trabaho..biglang napatingin si Papa sa akin na parang confused.

Bakit? Meron siyang millions sa banko niya bakit kailangan pa niya magtrabaho? Alam din pala ni Papa?

Gusto niya daw maiba naman ang routine niya araw2x kesa naman magmokmok siya sa bahay buong araw. Katwiran ko.

Nagkibit balikat naman si Papa.

Gusto ko ang batang yon hard worker. Jho gusto ko pag magka boyfriend ka  katulad ni Bea hindi katulad ng loko2x na dinala mo dito sa bahay.

Nag smile lang ako kay Papa sana masabi mo pa yan pag sinabi ko sayo mamaya na girlfriend ko na si Bea. Sa isip ko lang.

Ohh.John naalala mo yung ex ni Jho nung highschool yung lalaking naglalaro ng basketball anu bang pangalan nun Mark? Yun ang pinaka malala..Sabi ni Mama.

Ooohh hahaha oo naman naaalala ko yon ang bastos at walang respeto napaka balahura pa. Grabe iba talaga ang taste mo anak. Dagdag pa ni Papa sumasangayon din si Mama dahil patuloy ang tango niya.

Alam mo anak bakit di mo yayain si Bea makipag date? Mas bagay kayong dalawa mabait si Bea at napaka gandang pogi tingnan kesa sa ibang nakadate mo..Sabi ni Mama habang nakatingin kay Papa naghihintay ng pag sang ayon.

Sa isip ko lang yon Louvile na kung pwede sila ni Bea pero nasama lang yan sa kwento natin huwag mong seryosohin..Sabi ni Papa.

Tingnan mo naman John para na silang magkarelasyon ni Jho isama mo pa si Ellie para na silang isang pamilya.

Okay!!! Aalis na ako para magtrabaho. Jho babalik ako bago mag hapunan ang sasabihin niyo sa akin ni Bea ihanda niyo na.

Opo Papa..

Umalis na si Papa tumayo din ako sa inuupuan ko saka umakyat sa taas.

Boto kaya ang Papa ko kay Bea? Sa Mama ko walang problema alam kung gustong gusto ni Mama si Bea para sa akin.

Bahala na.


























PERFECT Where stories live. Discover now