Babe, marami kang bibilhin ilista ko nalang ang mga sinabi ni Papa kailangan daw to sa shop mo. Sabi ni Jho.
Ano..huh...pangiti2x kana ngayon kay daddy gusto mo na naman ng pasalubong? Baby voice ni Bea habang kausap si Ellie.
Babe!!! Nakikinig ka ba? Mag open na bukas ang shop mo pag di mo to nabili kukulangin ka ng tools.
Oohh..nagalit na si mommy..Sabi ko naman sayo huwag galitin si mommy kasi mukhang dragon yon...Sabi ni Bea kay Ellie na ngiti ng ngiti.
Akin na nga si Ellie..inis na sabi ni Jho.
Babe, naman syempre nakikinig ako sa sinasabi mo. May ipabili kapa ba bukod sa mga tools?
Yong milk nalang ni Ellie saka diaper baka mauubusan tayo.
Sure babe...babalik ako agad. I love you gorgeous hmmm ang bango naman. Sabi ni Bea pagkatapos halikan si Jho sa pisngi saka kasama pisil pa sa butt nito.
Hmmm...mamaya na ang kamanyakan mo Beatriz umalis kana para makabalik ka agad.
Promise montan pagbalik ko ha..
Oo na kung matutulog si Ellie.
Oh..okay pa inumin nalang natin ng sleeping pills.
Loko! Umalis kana nga habang maaga pa.
Nag salute naman si Bea sa nobya saka umalis naiwan maglinis ng bahay si Jho.
Maya-maya narinig nalang ni Jho ang tunog ng doorbell.
Tamang tama at kakapalit niya lang ng damit ni Ellie pinaligu-an niya kasi ito.
Ng sinilip ni Jho sa labas nakita niya may nakatayong babae di naman niya kilala. Medyo kaedad ng mama niya ang babae kaso mas mayaman lang ito tingnan dahil sa mamahaling suot. Ano naman kaya ang binebenta nito.
Binuksan ni Jho ang pinto. At hinintay magsalita ang babae.
Hi, good morning hija..dito ba nakatira si Isabel Beatriz De Leon?
Tumaas ang kilay ni Jho..na parang nagulat..ahmmm..ma walang galang na po pwede po malaman kung sino po kayo?
I'm Deth De Leon, I'm the mother of Isabel.
I'm...sorry po? Gulat na sagot ni Jho. Ahmmm...parang di alam ni Jho ang gagawin hawak2x pa niya si Ellie na kanina pa titig na na titig kay Deth.
Pasok po muna kayo.
Pagpasok ni Deth sa bahay agad niyang nilibot ang paningin saka tiningnan niya din si Jho pati ang baby.
Umupo muna kayo nasa mall kasi si Beatriz pero tatawagan ko nalang para makauwi agad ako nga pala si Jho.
Hi Jho...bati ni Deth saka inabot ang kamay niya tinangap naman ito ni Jho.
Ang ganda ng baby mo ilang taon na siya?
Thank you po..mag 9 months palang po siya.
Tiningnan maiigi ni Deth ang baby kahawig to ni Bea pero imposible na anak to ni Bea dahil 8 months palang ata nawala si Bea sa US.
Nakita ni Deth ang hawak na cellphone ni Jho sigurado tatawagan niya si Bea.
Jho, huwag mo ng tawagan si Isabel. I want to surprise her.
Hmmm..ganon po ba? Sure po..sa US pa po kayo galing? Gusto niyo po ba juice o coffee?
Yes kakarating ko lang kahapon. Huwag ka ng mag abala water nalang. Ng makaalis si Jho papuntang kitchen napaisip si Deth kung sino si Jho sa buhay ng anak niya at bakit dito tumira si Bea.
Ng malaman ni Deth na umalis sa US si Bea at pumunta ng Pilipinas agad niya itong pina trace. Hanggang ngayon galit parin si Elmer sa anak pero si Deth isa siyang Ina hindi niya magawang pabayaan ang anak niya. Umabot sa punto na pinapili na siya ng asawa niya at di siya nagdalawang isip na piliin si Bea.
Babe!!! I'm here..sigaw ni Bea papasok ng bahay.
Ng tuluyan na siyang makapasok di napansin ni Bea ang Ina sa sofa. Bitbit ang tatlong supot na may laman na diaper milk at kung ano-ano pang baby items.
Sakto naman paglabas ni Jho sa kitchen na may dalang isang basong tubig.
Hey babe...I miss you sabi ni Bea saka hinalikan si Jho sa lips...hey baby..do you miss daddy too? Uhhhmmmwah..daddy misses you..baby voice ni Bea kay Ellie saka hinalikan.
Binitawan ni Bea ang hawak na supot saka kinuha ang baso ng tubig sa kamay ni Jho at ininum.
Sa bilis ng pangyayari parang na estatwa si Jho at di nakapagsalita. Si Deth naman nakatingin lang sa kanila buti at na confirmed lahat ang hinala niya pero sa baby part parang imposible.
Are you okay babe? Hey! Hinawakan ni Bea ang pisngi ni Jho at doon nalang si Jho natauhan.
Kinuha ni Bea si Ellie saka hinalik halikan papuntang sofa ng makita niya kung sino ang nakaupo.
Mom??? Mommy? Gulat na sabi ni Bea.
Isabel anak...tumayo si Deth at niyakap si Bea.
Anak I'm sorry Miss na miss kana ni mommy...Sabi ni Deth habang tumutulo ang luha.
Ng makita ni Jho ang sitwasyon lumapit siya kay Bea ng kumalas ang mama ni Bea sa yakap.
Babe, akin na si Ellie at patulugin ko..mag usap na muna kayo ng mommy mo. Di na nakasagot si Bea at hinayaan nalang si Jho.
Ng maiwan ang mag ina sa sala nagsimula silang mag usap.
What are you doing here? Pagsisimula ni Bea.
YOU ARE READING
PERFECT
FanfictionPanu kung naging instant mommy si Jho at instant daddy si Bea sa iisang baby subalit hindi naman sila magkakilala. Possible ba yun? Gip Bea