42

1K 22 0
                                    

Babe, tapos ka na ba magbihis? Tanong ni Jho kay Bea ng pumunta siya sa kwarto nito. Papunta sila ngayon sa party na gaganapin sa Batangas ng pamilya ni Jho.

Come here..I miss you babe..Sabi ni Bea saka siniil ng halik si Jho habang nakasandal sa pinto.

I miss you too..uhhmmm...babe si Papa baka umakyat.

Huwag kang mag alala naka lock ang pinto.

Jhoana? Buksan niyo ang pinto tapos na ba kayo ni Bea aalis na tayo naghihintay na ang Mama mo sa baba.

Ugh! Fuck lagi nalang sabi ni Bea..

Shhhh...darating ang araw na masolo mo din ako
Bilisan mo na at kukunin ko si Ellie sa room.

Iniwan ni Jho si Bea na nagbibihis saka kinuha si Ellie sa kabilang room.

Last time ng makita ni John ang pasa ni Bea nagtanong lang ito kung ano ang nangyari ng malaman niyang si Nico ang may gawa bigla itong nagalit at pilit na pinapaalis si Bea sa pinagtrabahuan.

Nag usap naman sila sa disisyon ni Bea na di na babalik don subalit magbubukas siya ng talyer malapit sa bahay nila Jho.

Sang ayon naman si John at tinulungan pa si Bea sa mga kailangan para mapadali ang pagpatayo ng munting negosyo.

Ngayon ang araw kung saan haharapin ni Bea ang extended family ni Jho.

Kinakabahan siya pero kailangan niyang maging matapang para na din kay Jho at Ellie.

Dalawang kotse ang dinala nila isa sakay ang parents ni Jho at ang isa naman ang magkasintahan kasama si Ellie.

Si Jho na ang nag drive dahil hindi alam ni Bea ang daan papuntang Batangas.

Are you excited babe? Tanong ni Jho.

Anong excited kinakabahan nga ako. Imagine first time ko silang makita.

Huwag mong pansinin ang mga pinsan at tyahin ko importante si Lola.

Yes babe..Sabi ni Bea habang nakangiti.

Naka long sleeves si Bea saka naka maong na pants. Naka tuck in ang long sleeves niya. Dahil matangkad siya kaya bagay sa kanya ang suot.

Si Jho naman naka jumpsuit at sandal.

Pagdating nila sa bahay ng tyahin ni Jho rinig na sa labas ang tugtog at ingay.

Bumaba si Bea at kinuha si Ellie sa likod na parang naantok na at pinag buksan ng pinto si Jho.

Jho, Mauna na kami ng Papa mo sumunod na kayo ni Bea akin na si Ellie tiyak siya ang unang hahanapin ng Lola mo.

Binigay naman ni Bea si Ellie saka humarap sa nobya.

You're so gorgeous babe..Sabi ni Bea at inakbayan si Jho.

At napakagwapo mo naman De Leon..let's go ipakilala kita sa maingay kong pamilya.

Pagpasok palang agad napansin ni Bea ang dami ng tao, nag iinuman, nagkwentuhan, sumasayaw, at mga bata na nagtakbuhan.

See ang gulo talaga...Sabi ni Jho saka dinala si Bea sa loob ng bahay.

Pagpasok rinig na ni Bea ang tawa ni Ellie kasunod ng tawa ng matanda.

Pagtingin niya si Ellie nakaupo sa sabak ng matanda habang pinapaligiran ito ng tyahin ni Jho na gustong makuha ang atensiyon ni Ellie.

Jho apo...aba tingnan mo naman nagyon lang tayo nagkita. Kamusta kana?

Lola, mano po..pasensiya na kung ngayon lang nakadalaw masyadong busy lang sa bahay.

Aba anong busy eh dinadala ng mama mo dito lagi si Ellie sabihin mo busy ka sa boyfriend mo siya ba yan..aba patingin nga kung gwapo.

Namula si Jho sa sinabi ng Lola niya pero hinawakan niya parin ang kamay ni Bea para ipakita sa Lola niya.

Lola, si Bea po pala boyfriend ko daddy ni Ellie...nahihiyang sabi ni Jho.

Napaka gwapo naman yan Jho at kamukhang kamukha ng apo ko. Ano ba trabaho mo Bea? Kaya mo bang buhayin ang dalawa kong apo? Di ka ba nag da drugs? Bawal ang addict sa pamilya namin unahan na kita.

Mama, naman kinakabahan na si Bea sayo..pasensiya kana Bea prangka lang talaga si Mama..Sabi ni Louvile.

Hmmm....for now kakaalis ko lang sa trabaho but I'm planning na mag open ng panibagong business nahihiyang sabi ni Bea dahil taas kilay na nakatingin sa kanya ang mga tyahin ni Jho.

Good...good...dapat maging responsable ka at huwag pasaway sa apo ko lalong lalo na kay Jhoana.

Tumango naman si Bea habang nakangiti.

Oo nga pala Jho darating mamaya si Enajie kasama si Kyle boyfriend niya galing US pwede mong ipakilala si Bea dahil galing din siya US dba sabi ng mama mo?

Ngumiti si Jho...opo Lola..sagot nalang ni Jho..mula pa noon di sila close ni Enajie dahil mapag mataas ito laging bida. Pero baka nag iba na din ang ugali simula ng nag migrate ang pamilya nito sa US.

Lumabas sila Jho sa bahay para pumunta sa bakuran kung saan maraming tao.

Si Bea pinakilala ng mama ni Jho sa tyuhin niya at yon niyaya na nilang uminom.

Walang nagawa si Jho di niya din kayang pigilan ang mga tyuhin magagalit ang mga yon.

Nasa kabilang mesa siya kasama ang mama niya na kumakain. Si Ellie nandun parin sa Lola niya.

Tiningnan niya si Bea..alam niyang lasing na to dahil binuksan na ni Bea ang isang butones ng polo niya. Pero nagulat si Jho ng lumapit ang malandi niyang pinsan na si Andrea kay Bea at bumulong.

Tumayo si Bea habang hawak ni Andrea ang braso nito.

Anong ginagawa mo diyan Jho? Hahayaan mo nalang ba si Andrea na landiin si Bea? Sabi ng mama ni Jho

Nakita niyang pumagitna ang dalawa para sumayaw..si Bea tumatayo lang sa gitna habang si Andrea kinikiskis ang boobs niya sa harap ni Bea.

What the fuck? Hindi nakatiis si Jho kaya tumayo siya at pinuntahan ang nobyo sa gitna.

Pagdating ni Jho sa gitna agad niya pinaharap si Bea sa kanya saka hinalikan sa harap ng pamilya niya lalong lalo na sa harap ni Andrea.

PERFECT Where stories live. Discover now