Anong inam kaya ang tumuntong sa katandaan?
Anong dunong kaya ang tinataglay ng kanilang kulubot na mga balat at kulay niyebeng mga buhok?
Anong tinatago nilang mga karunungan at kawikaan? O anong gintong aral kaya ang nakatago sa sulok ng isipan?
Pinatanda sila ng panahon, hinubog ng daan-daang karanasan ang katauhan at maging ang kaloobanMas mauunawaan kaya ang buhay kung ang mga taon ay bilang na?
Mas pahahalagahan ba ang kabataan kung mapagtatanto ang kahihinatnan?
Hindi lahat ng dulo ay tagumpay ang dulot,
Nakabase sa iyong simula at gitna ang magiging bungaWalang saysay ang buhay,
Kung ginugol lamang ito sa mga walang kuwentang bagay,
Bagay na kalauna'y mapaparam, aagnasin ng panahon,
Ibabaon sa hukay ng limot kalauna'y mapapalitan, maglalahoMay kanya-kanyang panahon ang bawat isa,
Umuusbong kung kailan tinakda ng Panginoon,
Namamaalam kung kailan nito panahon,
Gaya ng punong may panahon ng tagsibol, tag-bunga at taglagas, tao'y may takdang orasAng buhay ay tunay na maikli,
Sa huli, lahat ay magsusuli,
"Aani ng sagana ang nagtanim ng marami",
Gaya ng pag-aani ng mabuti kung nagtanim ka rin ng mabuti'Lahat Ay May Hangganan'
- An Sakai
11.20.2
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023