Sa tuwing tinatanaw ko ang iyong mga mata
Sa tuwina, nakikita ko ang kislap na pinapakita
Tila ba isang bituing nagnining-ning sa kalaliman ng gabi
Nakadungaw ang galak na di mapakli-pakliSa tuwing tinatanaw ko ang iyong magagandang mga mata
Sa tuwina, nadarama ang kakaibang saya
Tila mata mo'y daluyan ng pag-asa at kagalakan
Dumating man ang nakakalungkot na kabiguanSa tuwing tinatanaw ko ang iyong mapanghalinang mata
Sa tuwina, nararanasang maging malaya
Tila ba mata mo'y susi sa kadena't kandado
Na matagal na gumapos sa pusoSa tuwing tinatanaw ko ang iyong mga mata
Sa tuwina, nalalasap ang ginhawa
Tila ba gumagaan lahat ng mabibigat na pasanin
Hindi inaalintana ang mga dalahinSa tuwing tinatanaw ko ang iyong mata
Sa tuwina, pinapaksi nito ang mga problema
Tila ba daluyan ka ng solusyon at kasagutan
Na ikaw ang umaalis sa mga katanunganSa tuwing tinatanaw ko ang iyong mata
Sa tuwina, nararamdamang di nag-iisa
Na narito ka't di ako iiwang maglakbay mag-isa sa mundo
Na narito ka't tatanggapin ang tulad ko kung talikuran man ng ibang taoSa tuwing tinatanaw ko ang iyong mga matang natatangi
Sa tuwina, ako'y napapangiti
Sa tuwina, ito'y napakaganda
Sa tuwina, aking ina
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023