|3| Sa ibabaw ng dagat

31 4 0
                                    


Lawakan mo ang iyong pang- unawa,
Magkabilang panig ay timbangin,
Kumilos at 'wag lang hintayin,
Aksidente nga lang ba o sinadya na?

Maging sensitibo,
Tunay na kuwento'y alamin,
Bawat detalye ay suriin,
Sa paglutas ay maging aktibo.

Pinapanigan na nga ba?
O sadyang may tunay na rason,
Nawa'y may agarang solusyon,
Para ang mga totoong biktimay 'di maabandona


06.17.19

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon