|38| ???

2 0 0
                                    

Nais ko nang yakapin ang kasalukuyan ngunit bakit 'di pa rin ako tuluyang lubayan ng kahapon?
Akala ko mababaon na sa limot kapag nagpalit na ang panahon,
Dahil ba 'di maayos na nagwakas? Walang epilogo o tuldok na tanda ng wakas?
Pero kakatwa, dahil ang alam ko kailanma'y di naman talaga tayo nagsimula.
Walang prologo, humantong agad sa katapusan kaya ngayo'y di pa rin makatakas.

Katapusan? Hindi mo naman tinapos.
Simula? Hindi ko naman sinimulan.
Pero bakit tila multong dumadalaw sa likod ng utak, nagsusumiksik?
Nagtatanong, nanghihingi ng kalinawan?
Ah alam ko na! Para maayos na tuldukan at para maipinid ko na.

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon