Tinatahak ang makipot na daanang hindi alam ang hangganan
Hanggang may matanaw na ilaw, nakakaayang pagmasdan pagkat nag-iiba ang mga ilaw
May pula, lila, berde at bughaw
Ang ganda tila ba inaaya akong lapitan ito at hawakanIsa pang hakbang at maaabot ko na rin isa na lang
Ngunit nang mahawakan ay bigla na lang nawala, naglaho
Kaya lumaganap muli ang dilim, tama nasa dilim pala ako
Kaya nang makakita ng kaunting ilaw ay halos magkadarapang kuhanin ito
Ngunit isa lamang pala iyong ilusyon para makatakas lamang,
Para makawala lang rito.Para makawala sa bilangguang ako mismo ang may gawa.
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesíaDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023