Sinayang ko,
Ang lahat ng binigay mo
Lahat ng paglalaan mo ng oras,
Mga paalala at paghihila mo sa akin sa tamang landas.Sinayang ko,
Ang pagsuporta mo
Ang mga taong lumipas,
Kinuha ko't makasariling winaldasSinayang ko,
Naging makasarili ako
Akala ko kasi 'di magwawakas,
Naging kampante akong 'di ka mawawala, kakalas.Pero ito, dumating na ang dulo
Napuno ako ng pagsisisi kasi kamalian ko
Bakit hinayaan kong magwakas?
Ang sakit pala talaga,
nasampal ako ng katotohanan, 'di ako makatakas.Hindi ko alam paano,
Anong gagawin ko
Napagtanto kong di ko kaya,
Napagtanto kong kailangan kita.Kahibangang hinayaan ko,
Kahibangang 'di ko pinaramdam na mahalaga ka sa buhay ko,
Pero mahalaga ka,
Mahalaga ka't nagsisi akong ,di ko hinigpitan ang kapit sa mga panahon nakahawak ka pa.Totoo nga ang sabi nila na malalaman mo ang halaga ng isang bagay,
'Pag nawala na ito sa'yong mga kamay
Sakit naman ng aral na hatid nito,
Kaso kasalanan ko, kaya tatanggapin at lulunukin ko.

BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023