Paano maririnig?
Kung isipa'y okupado?
Kung binigkas na salita'y batingaw
Na walang kuwentang aalingawngaw
'Pagkat maging tainga'y barado,
Memorya'y burado,
Burado? O pilit lamang na binura
Upang maging di katawa-tawa?
O upang malayang magtatwa?- 031021
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesíaDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023
|27| 'Di Bulag Ngunit 'Di Makakita
Paano maririnig?
Kung isipa'y okupado?
Kung binigkas na salita'y batingaw
Na walang kuwentang aalingawngaw
'Pagkat maging tainga'y barado,
Memorya'y burado,
Burado? O pilit lamang na binura
Upang maging di katawa-tawa?
O upang malayang magtatwa?- 031021