Tama na!
Sandaang ulit ko na yata iyang sinambit
Pero patuloy pa rin na lumalala
Tama na! Ayaw ko nang kumapitTila sirang plakang paulit-ulit
Paulit-ulit na tumatakbo ang iyong imahe
Mga kilos at salitang iyong sinambit
Nagbibigay sa puso ng libo-libong boltaheTama na! Pakiusap ko sa'yo
Hindi ko na kaya 'pag tumagal pa
Hayaan mo na akong lumayo
Natatakot akong baka 'di na ako makatakbo paPakiusap, tigilan mo na
Huwag mong bigyan ng maling pag-asa ang puso
Takot na itong umasa pa
Nais na lamang mamanhid at lumayoMasakit ang tumalikod sa'yo
Pero mas masakit ang manatili sa iyong tabi
Bawat hakbang palayo sa'yo
Namasa ang aking mata, nanginig ang labiIsa... Dalawa... Tatlo... Apat na hakbang
Huwag mo nang tawagin ang aking pangalan
Dahil kung ako'y lumingon at nakita kang nakaabang,
Mahal, walang pagdadalawang-isip, ika'y babalikanIyon ang aking iniiwasan
Ang manatili sa maling konklusyon
At patuloy na masaktan
Kaya ang paglayo ang tanging solusyonPara matauhan ang puso't isip
Para mabuo ulit ang nawasak na puso
Para mapayapa ang isip
At para makapagpahinga ang nahahapo.
Orihinal na naisulat noong:
Marso 28,2019Background kung bakit naisulat:
Di ko rin alam eh kung bakit ko to naisulat pero ang malinaw na alam ko, para ito sa mga taong patuloy na umaasa. Mahirap din yun ah, minsan nahahati ang puso't isip nila sa pagitan ng ipagpapatuloy pa ba o susuko na? Lalo na pag one-sided love na tinatawag. Hay buhay. Basta don't forget to guard your heart. ❤️
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023