Ako'y hindi manunulat,
Isang tao lamang na, sa tunay na mundo'y namulat,
Ginamit na sandata ang pluma,
Ang papel bilang panangga.Isa lamang ako sa libo-libong sumusulat,
Nagnanais na ang mga nasa isip ay maulat,
Na maging pahayagan ang mga pahina,
Na maging salita ang itim na tinta.Ang bawat damdaming di maisiwalat,
Sinatitik ng aking munting panulat,
Ang bawat titik, salita at talata,
Ito ang aking tawa, iyak o maging buntong-hininga.Nakapinid na Damdamin sa orihinal na panulat ni: AN SAKAI
To God be the glory!❤️
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesíaDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023