|13|Alay sa Laya

18 3 0
                                    

Gaya ng pagkuha ng marikit na bulaklak sa tabi ng bangin
Ang pag-ibig ko'y gayundin
Di man tiyak ang kahahantungan
Pagkat maaari akong mahulog sa kailaliman

Ngunit di alintana basta't maabot lamang ang nakakahalinang bulaklak
Maski mahawakan man lang kahit masadlak,
Sa banging malalim na puno ng makamandag na alakdan

Hindi sigurado, hindi panigurado pagkat sa bawat hakbang papalapit sayo'y palapit rin ako sa kamatayan

Kamatayan ng kamalayan, kaluluwa't puso
Ngunit nais kong tumaya, ibuwis ang buhay na ito
Basta't kapalit nito'y mailayo ka sa bangin ng kapahamakan
Basta't mapalaya ka sa mga tinik na pumapalibot sa iyong katawan

Saan nga ba maikukumpara ang pag-ibig na iniaalay?
Sa taong gagawin ang lahat para hawakan ang iyong kamay?
O sa taong handang mamatay para lamang ika'y lumaya
Pareho, pareho kong gagawin upang patunayang kaya kitang hawakan para lumaya ka

At ang sandata ko para gawin ang lahat ng ito,
Ang pag-ibig ko sayong kailanma'y di magbabago
Marapat kang mahalin at pag-alayan ng buhay
Para sayo, handa akong ibuwis itong buhay

060220

Maraming klase ng pag-ibig...🇵🇭

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon