|28| Pagsapit Ng Dilim

3 1 0
                                    

Sinamsam na ng gabi ang kalangitan
Madilim na naman, umpisa na naman ng lagim –ng sakim?
Nagtago na rin ang araw, natakot?
Natakot nga ba kaya nagtago't tumakas?
Hindi, kailanma'y hindi.
Pagsapit ng dilim, ika'y magtago
Huwag papahuli.
Kuryosidad ay putulin at supilin
'Pagkat tuwing gabi, lumalabas ang kanilang tunay na anyo't hitsura
Natatanggal ang kanilang maskara,
Naghahanap ng kalinga at pagtanggap mula sa dilim at gabi.

06.16.2021
Edited: 11.24.2021

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon