|1| Relo ng Buhay

48 6 1
                                    

Relo ng buhay

Kaparis ng damong ligaw na nakahanap ng tutubuan,na kalauna'y mapaparam ,
Pagkabuhay ay di kalat, na maglalaho't hindi alintana ng mundo,
Buhay ay ganundin, saglit na lilitaw kalauna'y mamaalam,
Na hindi na bibigyang-pansin ang pagkawala na parang bulang maglalaho.

Walang makakalap na bakas, walang yapak ng mga paang tanda na tumapak sa mundo,
Saglit lamang na papailanlang na gaya ng paglitaw ng haring araw sa silangan,
At pagkalunod nito sa dagat ng kanluran, hindi na muling mamamasdan,
Isang subok, isang pagkakataong kayikling kailangang himay-himayin,tipirin nang kaysinop.

Ngunit matulin ang larga ng panahon, kung papalari'y aabot ng katanghalian ng buhay kung mas mapalad nama'y , sampung dekada,
Ngunit may maagang nagsusuli, maagang naglalaho,
Pagkat ganito ang mundo, sandaling hihinga, saglit na aarangkada,
Kalauna'y hihimlay sa kawalan.

Ang bawat segundo'y hiram na maaring bawiin,
Maaaring 'di pa nahahanap ang ngiti sa bawat hikbi,ngunit kaypalad pagkat ang bawat bukang-liwayway ay patuloy na gumigising sa tulog na diwa,
Patuloy na magsusumiksik sa mga namanhid na kalamnan.
At ang hamog nito'y patuloy na didilig sa tigang na katauhang nagkabitak-bitak.

******
Hindi pa ito ang wakas bagkus ang simula
Hindi tuldok kundi semicolon na magpapatuloy
May pag-asa pa hangga't wala pang tuldok

17:20
04.05.20

#nagagawangquarantine
#kalikutanngimahinasyon

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon