Ito na naman tayo parang sirang plaka,
Ito na naman tayo di na umusad pa,
Bakit? Bakit naging ganito?
Bakit na lang mga ngiti'y naglaho?Paano ipauunawa? Paano itatanim sa isip?
Paano masasagot kung may sakit na kalakip?
Paano mauunawaan?
Paano malilinawan?Paano kung mundo'y nalilito?
Paano kung ang isipa'y malabo?
Saan magsisimula ang sarili?
Saan maibubulong ang mali?Pinilit nang tumalikod,
Pinilit nang bumangon sa pagkatalisod,
Pero walang prenong ginugulo,
Patuloy na hinahalo.Bakit ba ganito na naman?
Bakit ba paulit-ulit na lang?
Maaari bang umidlip?
Hanggang sa ang araw ay sumilip?Maaari bang umulan saglit?
Hanggang ang bahaghari'y gumuhit?
Pakalmahin ang rumaragasang alon
At 'wag guluhin ang malalim na balon.
09/07/19 8:01 pm
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023