Masyadong mabilis ang ikot ng mundo, nakakaligtaan ang iyong mga kamay na nakalahad,
Masyadong mabilis ang takbo ng daigdig,
Hindi ka man lang nalalaanan ng oras kahit na saglit,
Masyadong maingay ang mundo, nasasapawan ang iyong mga bulong.Bukas ang palad, maghapong nakatingala,
Naghihintay na may maghulog kahit kakarampot na grasya,
Panlaman lang sana sa kumakalam na sikmura,
At sa pusong gutom sa kalinga.Tuyo at bitak-bitak ang mga labi,
Timbang na 'di ayon sa edad at laki,
Tila ika'y pinabayaan,
Hinayaang buhayin ang sarili't makipagsapalaran sa lansangan.May pangarap ka, sa kailaliman ng puso'y naghahangad kang umangat sa putik na nilulubugan,
Nangangarap na maabot ang ningning ng tala, ng buwan,
Kahit na imposible, naghihintay maurong ang mala-bundok na balakid,
Kahit na sa tingin mo'y imposible, naghihintay ng himalang iwiwisik ng langit.Minsa'y napapaisip, may bukas pa bang naghihintay?
Ano kaya ang pangako ng hinaharap sa mga tulad mong napagkaitan ng nakaraan at kasalukuyan?
Nawa ay mahabag ang langit, mahabag din nawa ang mundong mapanakit,
Mahabag at bigyan ka ng hinaharap na kayrikit.Ngunit batid kong hindi bingi ang langit sa mga bulong, sa mga taimtim na dasal,
Hindi bulag, tanaw ang iyong kasalukuyan at handang abutin ang iyong mga kamay,
Iaahon, sasagipin,
Tama, may habag ang "Langit sa'yo, sa akin"."Sa Ibabaw ng Overpass"
An Sakai
11.24.2022
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesieDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023