Ginugol ang mga oras sa paghabol sa mga bituin, sa ningning nila,
Ngunit nakalimutan ang buwan na siyang pinakamahalaga.
Masyado yata akong naakit sa kislap ng mga tala,
Sa kutitap na liwanag nitong dala, kaya ngayo'y naliligaw, nawawala.Ako pa kaya'y makakabalik sa daan?
Naliligaw na kasi sa masukal na kagubatang 'di alam ang labasan,
Babaliktarin ba ang aking kasuotan para mahanap ang daang pinagmulan?
Paano kung ang daan sa aking likuran ay 'di na matagpuan? Natakipan na ng mga talahiban sa tagal nang di nalalakaran?Hindi ko na alam ang patutunguhan, nahaharangan ng makapal na ulap ang kalangitan at hamog ang kalupaan,
Utak ay okupado, kaisipa'y 'di na kontrolado
Bakit laging gabi sa kinaroroonan?
Nagtatago ba ang araw mula sa mundo?Buwan, hayaan mo sanang gamitin ko ang iyong sinag, upang maging tanglaw.
Upang ilog sa puso'y maging malinaw
Ragasa'y huminto't kumalma kahit na may magtampisaw,
Upang makabalik at 'di na muling maligaw.Ningning o Liwanag?
An Sakai (2022)
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PuisiDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023