Pagod na ang aking mga mata,
Sa tila batis na kanyang pagluha,
Ginawa nitong lawa ang hungkag na lupa,
Pilit na dinidilig ang sariling kauhawan at sa 'di na tumila.Pagod na ang aking kamay,
Sa patuloy niyang pag-abot sa mga dadamay,
Namanhid na rin na tila bangkay,
Pagod na sa paghawakna bibitawan lamang ng umaakay.Pinili ng pusong lumubog sa mababaw,
Ang mundo'y piniling sa lumbay gumalaw,
Hinayaang ang buhay ay maagaw,
Ng kawalan at lumbay, ang umaapaw.Lumulubog na ang araw, sasapit na ang gabi,
Inaksaya sa kulungan ang oras na nalalabi,
Umiyak, humiyaw , gumagulhol at humikbi,
Maririnig pa ba ang paghikbi kung huli na't gabi?
Orihinal na naisulat: Enero 30,2019
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023