Pasukin ang aking mundo, mundong di mo inakala,
Mundong 'di inaasahan, mundong kakaiba,
Ipikit ang mga mata, pagkatao mo'y ihanda,
Ika'y huwag na matakot, huwag ka ding mag-alala.Hawakan mo'ng aking kamay,tayo'y sabay na maglakbay,
Tahakin ang mundong ito, paglalakbay mo'y may saysay,
Sa mundong 'to may engkanto, may diwatang masisilay,
Alam kong ika'y nagtataka, tila mundo'y sinalakay.Nagugulumihanan ka, kaya sayo'y ikukuwento,
Hinati kami ng "caste" , 'di kami mapagbubuo,
Ako ay isang engkanto, diwata ang siyang pinuno,
Mayaman at dugong bughaw, maimpluwensyang pinuno.Pagsampal ng reyalidad, diwata ang siyang naghari,
Higit ang kapangyarihan, ngunit 'di katangi-tangi,
Sa tulad kong 'di diwata, kami'y di makatanggi,
Pagkat kami'y dukhang lipi, sila'y haring namayani.
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023