Isang tawag sa hinaharap,
Ang umalingawngaw sa aking Isipan
Kumakatok at patuloy na naghahanap
Pumasok sa utak, ginising ang mga kalamnanTinapik ang pusong namamanhid
Hinalukay ang damdamin, hinalo at nilito
Maningas na damdamin ang isinilid
Pilit na sumisiksik sa buong pagkataoGinising ang natutulog na puso't isipan
Nagkamalay na ang diwang matagal nang pinatay
Naliwanagan ang mga nasa kadiliman
Binangon ang kaisipan na pinatayPanahon na para gumising ka
Ikaw na kabataang matagal na nahimlay
Nahimlay sa mundo ng pantasya
Hinahanap ka ng reyalidad, ng tunay na buhayIka'y nasa kasalukuyan
Isa sa bubuo ng hinaharap
Matagal nang tinatawag ng kinabukasan
Matagal nang ginising ang damdaming makabayanKabataan, bumangon mula sa pagkakahimbing
Kailangan ka ng hinaharap
Ika'y liwanag kung ituring
Pag-asa at pangarapNgayon na para kumilos ka kabataan
Mahalaga ang iyong papel sa mundo
Isa ka sa magtatayo ng kinabukasan
Ang magpapaganda at magpapalago nitoKailangan ka, inaasahan ka
Ikaw ang pundasyon ng hinaharap
Gumising, bumangon, at gumalaw ka
Dahil ikaw, kabataan ang mismong hinaharap
***(102919/08:23)

BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesíaDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023