Kung ipapakita ko ba ang tunay na ako,
Ay may tatanggap kaya?
Kung di na ako magmamaskara,
May tatanggap ba sa tunay na anyo?Kung walang pagkukunwari, Kung walang pagpapanggap
Iyo pa kayang matatanggap?
Kung walang pagtatago, Kung walang pagpipigil,
Ugnayan ba'y mapuputol, matitigil?Kung isisiwalat lahat ng nasa isip,
Kung himayhimayin kaliit-liitang detalye't kasuluk-sulukang damdamin,
Iyo kayang ngunguyain at lulunukin
Iyo kayang masisid? Handa kayang kilalanin?Kung 'di ko na kayang putulin ang mga daliri sa paa,
Para magkasya sa kristal na sandalyas na iyong dala, sa sukat na iyong tinakda,
May pagkatataon pa kayang umapak ng ginto?
May pagkakataon pa kayang tanggapin ang tunay na pagkatao?Ngunit ngayo'y napagtanto kong mainam na munang kilalanin at tanggapin ang sarili,
Bago ko hanapin sa iba ang pagtanggap na minimithi,
Mas mainam na buuin at mahalin muna ang ako,
Bago magmahal at magbigay sa ibang tao.Sapagkat 'di tuluyang magiging malaya, di tuluyang magiging buo,
Kung nananatiling preso sa hiram na pagkatao,
Peke lamang ang pagtanggap,
Kung 'di naman ang tunay na "ikaw" ang tinanggap.MSKR
-An Sakai (2022)If I tell you my deepest thoughts, will you stay? Will you still be the same? If I don't cut off my toes to fit into the glass sandals you set, will you still treat me as before?
Cutting off the toes and glass sandals came from a different version of Cinderella ( a dark story of Cinderella by the Brothers Grimm), wherein the two stepsisters cut off their toes and heel respectively to fit into the sandal. Which I put as a metaphor for a person trying to meet the standard of others which sometimes leads to losing something/someone important to them.

BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
ŞiirDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023