|19| Pagluha ng Kandila

20 4 2
                                    


Pilit kong binabaon sa hukay ng limot ang lahat,
Pilit kong itago ang lahat
Mga katotohanang ayaw pasiwalat
Pinipiling manahan sa mundo ng kasinungalingan, kahit na sinasampal at pilit na akong ginigising ng katotohanan.
Pinipili ko pa ring tumindig sa iyong kasinungalingan.

Isa. Dalawa. Tatlo. Sampung beses at daan-daan ng kasinungalingan, ang pilit sumisira sa ating ugnayan.
Pero ito ginagawang katotohanan ang mga kasinungalingan.
Bakit ko ito ginagawa? Bakit nanatili pa rin ako kahit sira na?
Dalawang salita. Siguro alam mo na? Mahal kita! Mahal kita kaya lahat aking nilimot.
Mahal kita kaya inaayos ko lahat ng gusot, tinatanggap lahat ng iyong kamalian at pinapatawad lahat ng iyong mga kasalanan.
Kasalanan na paulit-ulit na.
Na paulit-ulit akong sinasaktan at pinapaluha.
Niyayakap ko pa rin lahat gaya ng pagyakap sa tinik.

Masakit, mahapdi at di mabilang na pagluha.
Dati ikaw ang aking liwanag
Pero bakit ngayo'y apoy na naglalagablab?
Na unti-unti akong inuubos, na unti-unti akong inuupos.
Naging mabagsik na apoy na kayong tumupok.
Apoy na unti-unti akong inuubos,sa bawat sakit na nararamdaman ko, sa bawat hapdi na nalalasap ko at sa bawat pagluha ko.

Saan na ang pangako mong magiging liwanag?
Saan na ang pangakong huwag mabagabag o matitinag?
Bakit ang masasayang sandali, ang masasayang tagpo,
Lahat ay nagbago? Nagpalit-anyo?

Mahal kita kaya inaayos ko ang lahat?
Pilit na binabalik ang lahat,
Ngunit tila wala kang pakialam
Kahit na ako'y maupos at maparam.
Kaya hindi naman 'ata masamang bumitaw,
Gumalaw at magpatianod sa tubig na malinaw.
Masakit. Oo masakit ngunit masasaktan pa paghahawakan ko pa ang iyong kamay.
Kaya hayaan mong bitawan ko na. Iwanan ko na. Layuan ko na.

Paalam, aking apoy!
Sa pag-ihip ng malamig na hangin,
Sabay nito ang pagkawala mo sa aking paningin.
Sabay sa paglisan mo, tumulo ang aking panghuling luha.
Masakit. Masaya. Malungkot. Mga ala-ala.



102720

Orihinal na nilikha noong Oktubre 30,2018. Oh diba? Halos mag dalawang taon na ito. Nilipat ko lang rito kasi baka masira na yung pinagsulatan ko dati at mawalan na ako ng kopya . Aksidente ko kasing nakita yung original copy kanina at saktong malapit din ang October 30 at November 1.

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon