Bakit kulang ang bente-kwatro?
O sadyang ganid lang ako?
Bawat patak, buto binabanat, binabatak
Nakikipaghabulan sa malilit at malaking kamay ng reloAyaw kong tumigil pagkat maiiwan ako
Bakit napakabilis? Hintay, sasama ako
Takbo ako ng takbo
Walang lingon maski tumingala'y nakalimutan naNgunit nakakapagod.
Pagod na akong makipagsabayan sa bawat tik-tak.
Hindi ko pala kaya, 'pagkat ang orasa'y napapalitan ng baterya
Ngunit saki'y hindi na. Iisa lang pala.
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoezieDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023