Sumambulat ang halimuyak sa pagbukadkad
Maraming humanga at sumamyo
Maraming insektong umaligid, sumipsip
Ngunit nang maglaho't nawala ang dating rangya,
Ngayo'y natatapakan na lamang ang tuyong rosas
Pinangingilagan na animo'y 'di pinakinabangan
Ngunit tuyong rosas, magdiwang ka 'pagkat tapos na ang dusa
Nalaman mo na ang tunay sa mga nagmamaskara.

BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesieDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023