Hanapin mo ako sa likod ng matatalinghagang salita,
Sa gitna ng mga linya,
Katagpuin mo ako sa mga pingdugtong-dugtong na salita,
Sa pinagtagpi-tagping metapora.Baka roon maunawaan mo ang aking adhika,
Baka makita mo rin ang mundong nais ipakita,
Mga damdaming kinubli ng tinta, tinapalan ng mga letra,
Baka maunawaan mo rin ang mga tulang nagpapa-tulala.
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesíaDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023