Ang boses ng kumakanta sa Videoke-han,
Ang mga yapak ng naglalakad na tao, ang tunog ng electric fan
Ang tunog ng nilamukos na isang papel, ng isa pa, ng isa pa ulit
At maya-maya'y itatapon na sa basurahanPaulit-paulit,
Ilalapat ang dulo ng panulat sa blangkong papel
Aangat at baba, luluha ng tinta
Ngunit pag nalihis o nawala sa guhit, tiyak na uulitPaulit-ulit,
Naghahanap ng tamang salita
Upang sa isipan ay makawala ang nakaliliyong mga letra,
Upang maisaletra ang mga nakakabaliw na kahungkaganNgunit pati ang pagsusulat ay tinalikuran
Nilisan ang papel sa mesa, maski ang panulat
Nilimot? Nilimot nga bang balikan ang naging mundo?
HINDI, may humahadlang lamang at iyon ay ang kahungkagan ng kaluluwa.*********
040720
19:34
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023