|44| Sandali Lang

1 0 0
                                    

ang ingay at ang gulo ng mundo,
lugar na dapat mong takbuhan ang siyang nais mo pang lisanin at takasan,
ngunit 'di mo kaya, ,'di maaari
sapagkat siya ang dahilan at hantungan ng pangarap,
dahilan kung bakit ka pa nagpapatuloy dito,
kung bakit di pa tuluyang natangay sa dulo.

maaaring mali, maaaring kasakiman
ngunit bakit nais munang piliin ang sarili?
bigyan ng katahimikan kahit sandali?
sandali lang, bigyang layang maunawaan ang tunay na dahilan nitong buhay bago tuluyang humantong sa sukdulan ng mga araw.



- maikling letra ay sadya

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon