Bakit pakiramdam ko ako ay nakakadena?
Mali itong nadarama,
"Gawin mong hardin ang sa tingin mong hawla".
Iyan ang sabi niya, paulit-ulit sa tainga.Ngunit paano? Kung pakiramdam ko'y limitado?
Hindi naman dapat ganito,
Dapat ako'y pursigido,
Makamtan ang pagbabago.Pero bakit pakiramdam ko'y 'di na dapat,
Lakas at determinasyon ay 'di na sapat,
Kailangan ko lang siguro'y ang mga paa ay ilapat sa reyalidad kung saan nararapat,
At tama na pamamalagi sa imahinasyong 'di maarok, 'di masukat.Nagsawa, napagod? Mali! Hindi!
May mga bagay lang na di kailangan ng pamamalagi,
May mga bagay lang na kailangang ibalanse,
Bilog ang mundo, walang permanente.Lalo na kung may mga mahalagang bagay na nakaligtaan, hinakbangan.
Bakit ngayo'y nanghihinayang sa mga nadaanang baitang?
"Ngunit mahalaga, paakayat ka ng hagdan".
Rinig kong turan niya na naman, ng aking sariling isipan.Laging nagsasabi ng mga salitang nakakasuya sa tamis, ayoko munang malasahan kahit na ang totoo'y gutom at uhaw,
Mga letrang nakakasilaw 'pagkat taglay ang mga positibong pananaw,
Ayoko munang tanggapin, ayoko munang tumingin sa araw,
Nais ko munang yakapin saglit ang buwan, at mamanglaw.Saglit, hayaaan ko munang pumikit,
magpaanod sa mga salitang mapait,
Damhin ang lungkot, sakit, inis, galit -sa sarili kahit na saglit,
Pangako, imumulat rin ang mga mata, at hahayaang masilaw muli sa liwanag- basta ngayon hayaan muna sanang pumikit."Mamumulat rin at ang ingay sa loob ay tatahimik din."
03.24.2023
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023