Nadama ko ang paghaplos mo saking pisngi
Pinahid ang mga luha kong tila di maubos-ubos
Sinikap kong imulat ang mga mata upang makita kang muli
Upang matapos na ang luha sa pag-agosKahit saglit lang, makita ka at mahawakan ka man lang muli
Nang tuluyang luminaw ang matang nilabo ng luha,
Bumungad sa akin ang nangungusap mong mata
Ang mukha mong kaytagal kong inasam na makitang muliNgumiti ka at ang mga ngiting iyon ang napakagandang tanawin
Kaysaya ko na nakita kitang muli
Sinikap kitang lapitan, hawakan
Ngunit may binulong ka sa akinAt nang hahawakan na sana kita
Bigla kang naglaho, sumabay sa hangin
Muli, lumuha ako ng maalala ko ang binulong mo sa akin,
Paalam Sinta.Ilusyon ko lang pala ang nakitang imahe dahil wala ka na pala.
070820
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesiaDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023