Alam ko, minsan na lamang tayong mag-usap
Marahil dahil sa kanya-kanya nating pagtahak ng ating hinaharap
Kaya minsan na lamang makadaupang-palad, magkaroon ng panahong magkamustahan maski pahinga dahil sa pagsusumikap
Marahil dahil may mga inaabot na tayong pangarap at pabigat na pabigat na responsibilidad na kinakarap.Pero "chatbox" man nati'y 'di laging aktibo o minsan lang tayo magtagpo,
Marahil dahil okupado ang ating kalendaryo,
Mga oras nati'y 'di nagtatagpo
Pero tandaan mo na narito ako't handang makinig sa mga naipon mong kuwento.Makikinig ako.
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023