Lagi kang handang ipahiram ang iyong pandinig
Kahit na minsan ang dami ko nang kuwento,
Pinapakinggan mo pa rin ng buo
Minsan naiisip ko tila kaylawak na ng nilakbay ng aking kuwento,
Baka di mo na maproseso
Pero lagi mong sinasabing handa ka pa ring makinig kahit gaano pa kahaba, katagal, at kalayo.Pero bakit ‘di ka man lang nagkuwento?
Kahit tinanong kita, kinulit na magkuwento ka dahil papakinggan ko rin ng buong puso,
Maglalaan ako ng mga oras, minuto, segundo-itutuon sa’yo
Ngunit sa ibang paraan mo pala ihahatid ang mensaheng ‘di kayo kasundo ng mundo.
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesíaDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023