may hangganan ba ang kabaitan?
kailan masasabing mali na ang pagbibigay?
kailan? kung said na? kung kumain na't busog?
ha? hindi! kakainin pa nila ang kamay na iyong iniabot!isang maskara lamang ang iyong matutunghay
sapagkat sa loob, nakatago ang nakakatakot na halimaw
munting halimaw na nabuo rin ng isang 'di patas na trato, mula sa mga di makuntentong nais pang sairin ka,
nais lumabas, lumaya, ipamukha ang katotohanan sa mga nais ibulid ito sa kasinungalingan.ngunit 'di niya kaya! wala siyang tinig at walang pahintulot na magsalita,
sino nga ba siya? walang didinig ng kanyang mga hinaing,
kung mayroon ma'y siguro ang mga uhaw sa balitang 'di naman sinsero
wala! ngunit mas gusto ko ang halimaw na iyon,sapagkat totoo siya,
mas tao siya...
kaysa sa akin.
- maikling letra ay sadya
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
ŞiirDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023