|15|Silahis ng Pag-asa

20 3 3
                                    

Tapos na ba? Nasa hangganan na ba ang mga pagdurusa't hinagpis?
Nahulagpos na ba mula sa tanikala't pisi ng lumbay?
Narumihan na ba ang nagmamalinis?
O patuloy na mapuputikan ang puti ang kulay?

Patuloy na sumisilip ang mga silahis na tumakas mula sa nakapinid na bintana
Ngunit minanhid na ng kirot, ng ilusyong makatakas
kahit daplis lang ng bala para mawala, saglit na makalimot sa tunay na nadarama
Ngunit pinagkait, tinakam lamang na nag-iwan pa ng bakas

Ang kadena'y tunog ng kalayaaang 'di pinaalpas
Pinigil ang sigaw, pilit tinitikom ang bibig
Bumalong ang luha, luhang minsang nangahas
Ngunit kaawa-awa ka luha 'pagkat di na dininig

Biningi na ng bilangguan ang tainga ng kalayaan
Maging panahon at oras ay nagkibit balikat
Maging ang kinabukasa'y naantala't naguluhan
Maging ang mundo'y naging mapanukat

Huli na, nagumon na sa kadilimang bumalot sa katauhan
Ngunit HINDI, may mga silahis pa na patuloy na sumisilip
Patuloy na kinakabig ang gatuldok na pag-asang lumaban
Ah! Silahis ng araw, ikaw pala ang sumisilip.

-2020

Kahit silahis ng araw (sunbeam) ay pag-asa na sa mga taong nasa kadiliman.

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon