Kapag ika'y natatanaw, hindi ko maintindihan bakit ganito ang nararamdaman,
Tila nasa alapaap ako't ikaw lamang ang kasama,
Tila kaygaan ng lahat kapag ika'y nasisilayan,
Nalilimot ang reyalidad at hinahatak sa pantasyaBakit ganito ang nararamdaman sa tuwing nakikita ang iyong mga ngiti?
Bakit ganito ang nararamdaman sa tuwing nakikita ang iyong mga larawan?
Umiibig na nga ba ang puso, nahuhulog na ba ito sa bangin na tinatawag nilang pag-ibig?
Ngunit hindi, 'pagkat ako'y humahanga pa lamang at ito'y sa isang napakataas na buwan.Ngayon lamang nagkaganito, hindi ko tuloy mawari
Ang hirap pala ng epekto, wala man lang pasabi
Ngunit nanamnamin ko na muna itong paghanga,
Hanggang sa mawala, o hanggang mas lumala?Ikaw na kasi ang paksa ng aking mga tula, ang nagiging inspirasyon,
Ngunit may pangamba na baka kalauna'y baka maging distraksyon,
Ngunit siguro hindi hahantong doon, sapagkat una pa lamang alam ko na ang aking limitasyon,
Kaya hahanga na lamang mula sa malayo ngunit taglay ang nakakainspiradong atraksiyon.para sa iyo, aking Bulan
- An Sakai
12.11.2022

BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesiaDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023