Pinikit ko ang aking mga mata
Inaasahang bubungad ang kadiliman
Ngunit ang imahe mo ang malinaw na nakikita
Buhay na buhay pa rin sa'king isipanSumasayaw ang iyong larawan sa'king balintataw
Hindi malimot ang nangyari
Kasama kita sa araw-araw
Kaya ang lahat ay di ko mawariAng ating tawanan
Ang mga oras na tayo'y magkasama
Ang ating kuwentuhan
Ang mga sandali na tayo'y masayaLahat ba ng iyon ay kunwarian?
Ang masaya mo bang mukha'y masakara lamang?
Ang iyong kuwento ba'y may bahid ng katotohanan?
Na ang hagikhika'y iskrip lamang?Ang salitang tiwala ang nagsilbi nating haligi?
Ngunit biglang nasira't gumuho
Ang masakit ay ikaw ang tumibag at bumali
Alam mo bang kayhirap na nito mabuo?Sumibol ang pader na matibay
Pader na patuloy na nagpalayo sa atin
Mahirap nang ibalik ang tiwalang nagkaluray- luray
Mahirap nang ayusin at buuin.
Orihinal na naisulat noong:
Marso 22, 2019Background:
Mula sa kuwento ng aking kaibigan at ginawa ko siyang tula. Mahirap na talagang mabuo ulit ang tiwala na minsan nang nasira. T_T
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoesieDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023