Ako'y naghihinagpis sa iyong pagkaratay,
Sa bawat pag- asa tila kapalit ay bitay,
Hindi ba nila batid na ika'y kanilang pinapatay?
Pinikit ba ang mga mata nang di masilay?Nasilaw sa karampot na pilak,
Ngunit kapalit ang dugong papatak,
Halang na kaluluwang nagkukunwang busilak,
Ang siyang sa pagiging pinuno'y inilagak.Nasaan ang kagalingan na iyong minimithi?
Sa kanser at sugat na iyong tinitimpi?
Kailangan pa ba malagot ang pisi?
'Pag nagkataon kanino ibubunton ang sisi?Tulad mo ang isang ina,
Inalagaan ang mga pilipino't kinalinga,
Ngunit tila nilimot na ang iyong pagdurusa't binata,
Sakripisyo ng mga bayani'y ginawang bula.Nasaan Inang bayan ang iyong dating ganda't dangal?
Pinalitan na ng kurapsyon at krimeng karumal-dumal,
Ang maimpluwensya'y leeg mo ay sakmal-sakmal,
Ang makapangyariha'y puso mo'y ginawang masukal.Note: ( pero puedeng di basahin... Okay lang :)
Originally written in April 23, 2019... The partial tally of senators and the results urged me to write about it and express my opinions through paper and pen. Until now, I can't move on, but it's final and who am I to opposed the choices of my fellow Filipinos? It was just my patriotism that arose within me and there are a lot of questions that jumbled my mind. But don't judge quickly, my inner self reminds me, maybe I'm just being a pessimist. Chos. Ano ba tong pinagsasabi ko? >_<
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023