A prose:Ulan, Ulan
Kaygandang pakinggan tunog ng nagbabagsakang ulan. Kaysarap sa pandinig, mga ulang nagdidilig. Dinidilig ang puso hanggang sa may sumibol na pag-asa. Sinong nagsabing malungkot kapag umuulan? Sino nagsabing hatid nito'y lumbay?
Ipikit ang mga mata. Damhin mo muna ang malamyos na tunog ng bawat pagpatak nito, ang marahang pag-ihip ng hangin. Hindi ba't kaysaya?
Kaygandang pagmasdan ang bawat patak ng ulan. Musika sa pandinig, tanawin sa paningin. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang saya kapag dinarama ang libo-libong patak ng ulan.
BINABASA MO ANG
Nakapinid na Damdamin
PoetryDamdaming 'di maisiwalat, Isinatitik ng panulat. (Kalipunan ng mga tula at prosa) 2019-2023