|35| Buwan, Ikaw ba'y karamay?

0 0 0
                                    

Malapit na naman gumabi,
Malamig na ang hanging dumadampi
Kasabikan ang nanunuot sa aking kalooban
Sabik na makita ka muli't masilayan, Buwan.

Kaygandang pagmasdan ang iyong kislap
Na animo'y Ika'y nangungusap
Nakangiti't nakatunghay,
Ngunit Ikaw ba'y tunay na karamay?

Ngayo'y nais ko sanang 'di na manahan sa kadilimang kinalalagyan,
Kahit na narito ka't ako'y sinasamahan
Nais ko na kasing matunghayan ang tunay na liwanag,
Baka sakaling kumalma na ang bagyong naghahagupit magdamag.

Buwan, ikaw ba'y karamay?
04.25.2023
[mga piraso ng lumalayag na isipan]

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon